Chapter I

8.9K 284 227
                                    

ʜᴇʀᴇ ɪꜱ ᴀ ʟɪɴᴇ ꜰᴏʀ ᴛʜᴏꜱᴇ ᴡʜᴏ ʟɪᴋᴇ ᴛᴏ ɴᴏᴛᴇ ɪꜰ ᴛʜᴇʏ ᴀʀᴇ ꜰɪʀꜱᴛ ᴛɪᴍᴇ ʀᴇᴀᴅᴇʀꜱ (ꜰᴛʀ) ᴏʀ ʀᴇ-ʀᴇᴀᴅᴇʀꜱ. (ʀʀ)

“Mine!” Mabilis namang umalis sa puwesto niya si Anica dahil siya ang tinarget ng serve ni Navarro.

Kahit na hindi gaanong naka-puwesto si Dakota ay malinis pa ring lumipad sa harapan ang bola na sakto lang kung saan tumakbo si Anica. Nagset siya ng quick attack kay Sol na nakapuwesto malayo sa mga blocker.

Hindi na ito nahabol pa ng team nina Navarro kaya puntos nina Dakota. Set point nila at kung makukuha nila ang set, magta-tie ang team nila. Hanggang three set lang kasi ang game.

“Oops.” Napakamot sa batok niya si Anica nang sumablay ang serve niya. Maikli kasi yun tumama sa net at sa side pa nila nahulog.

“Pagod ka na ata, eh. Bakit hindi ka muna umupo sa bench?” Mukhang concern ang tono ni Dakota, pero, yung sinasabi ng mata at ngiti niya iba.

“Haha! Hindi ako pagod 'no.” Tumatawa lang 'yan si Anica, pero, sobra siyang pinagpawisan sa paraan nang pagtingin at ngiti sa kanya ni Dakota. Mukhang galit pa rin sa kanya ang isa dahil bakit naman daw sa umaga pa nito naisipang maglaro? Alam naman nito na mas prefer ni Dakota na maglaro sa hapon. Late na rin kasi natulog si Dakota kaya aburido talaga siya ngayon.

Kulang sa tulog plus ramdam pa rin ni Dakota ang pagod sa training na ginawa niya kahapon. Hindi kasi si Jae ang kasama niya magtraining kahapon since kailangan niya umattend ng meeting sa Sang Real Training Camp. Bukas puwede na pumunta ang mga player doon para doon na sila magtetraining hanggang sa magsimula ang University League. Bukas naman sa lahat ng player ang camp— nasa player na lang talaga kung hanggang kailan sila mananatili sa camp.

“Umayos ka, Anica. Kapag tayo natalo rito, magpaalam ka na sa baby mo.”

Gusto man magtanong nina Sol kung bakit namumutla si Anica ay hindi na lang nila ginawa. Sinasamaan na kasi sila ng tingin ng referee dahil siguro iniisip nito na sinasadya nilang i-delay ang game.

Tumalim ang tingin ni Dakota kay Robles na siyang magseserve, setter ng team nina Navarro. Para namang nasindak ang server nila kaya tumama rin ang serve nito sa net pero sa side naman ito nina Dakota nahulog. Nagdive si Dakota para i-angat ang bola na agad ding sinet ni Anica kay Flo na nag-attempt ng line spike pero nablock siya ng middle blocker at opposite hitter, bumalik kina Dakota ang bola na hindi pa tuluyang nakakatayo. Naka-squat siya na nagoverhand receive, napunta ulit ang bola kay Anica. Sabay na tumakbo sina Louisa,  balak nila gawin ang synchronize attack, sa kabila ng net makikita ang pagbasa ni Morales sa labi niya. Parehong libero ang posisyon nila ni Dakota, pero, siya iyon talaga ang role sa team nila habang ito naman ang unang beses na naging libero si Dakota sa isang game.

Noong naglalaro pa kasi siya ay opposite hitter ang posisyon niya. Pero sa mataas na pagtalon lang siya nag-eexcel. Masasabing average na player lang si Dakota hindi siya kagaya ng mga teammates niya na prodigy at sobrang galing sa iba't-ibang posisyon. Yung galing niya ngayon nadaan sa hardwork. Kaya niya na makipagsabayan sa mga talentadong player, ang problema lang hindi naman volleyball team sa school nila ang sinalihan niya.

Sa basketball siya sumali kaya nga pinipeste siya ni Anica dahil buong akala nito ay pareho sila ng sports na sinalihan. Binalak pa nga nito magpalit ng sports, eh. Magaling naman kasi si Anica sa kahit na anong sports. Madali kasi siyang magsawa sa isang bagay kaya hindi siya nagtatagal sa iisang club lang. Gusto niya salihan lahat, bawal naman ang ganun. Kaya ngayon stuck siya sa volleyball.

Little GiantWhere stories live. Discover now