Chapter IX

1.7K 116 48
                                    


[ɴᴏᴛᴇ: ᴏɴᴇ ᴡᴇᴇᴋ ᴅɪɴ ᴛɪɴᴀɢᴀʟ ɴɢ ꜱᴄᴇɴᴇ ɴᴀ 'ᴛᴏ ꜱᴀ ᴜᴛᴀᴋ ᴋᴏ, ᴋᴀʏᴀ ꜱɪɴᴜʟᴀᴛ ᴋᴏ ɴᴀ. ᴘᴇʀᴏ ᴘᴀʀᴀɴɢ ꜱᴀʙᴀᴡ ᴘᴀ ʀɪɴ, ᴇʜ. ᴀɴʏᴡᴀʏ, ꜱᴀ ꜱᴜɴᴏᴅ ᴜʟɪᴛ.]

Jae

Nasa kalagitnaan kami nang pag-uusap ni Clover nung bigla siyang huminto sa pagsasalita. Nakatingin siya sa kaliwa namin habang nagpipigil ng tawa. Bago ko nga sundan tinitingnan niya ay narinig ko pang tinawag niya si Percy, at sinabihan ito na itutok ang camera ng phone niya kay Dakota. Naisipan kasi ni Percy na i-share ang ginagawa namin sa followers ng Sang Real Page.

Ano nga ba ginagawa namin? Tumatakbo lang naman well, atleast ito ang plano pero nauwi ito sa paglalakad-lakad since mukhang pagod talaga mga rookies ng Ravens, except siyempre kay Dakota. Siya ata may pinakamataas na stamina sa grupo nila. Hindi na ito nakakagulat para sa amin, dahil nga noon pa lang sinasama na namin siya sa training namin. Pinahubad ko rin pala sa kaniya weights niya, baka mamaya lumala injury niya kapag naging reckless na naman siya. Need niya rin naman sanayin sarili niya sa paglalaro nang walang suot na weights. Ang gaan nga raw ng pakiramdam niya, iyon nga lang hindi naman niya makontrol bagong lakas at bilis niya. Marami sa shots niya ang sumablay dahil sa malakas itong tumama sa rim or sa board ng net.

At palalampasin ba namin ito? Nakipagpustahan ulit kami sa kaniya, at ang consequence niya pagnatalo siya ay ang i-download ang dating app na ginawa mismo ni Percy. Hindi ito makikita sa playstore dahil mga kilalang tao lang ang nakakaalam sa app na ito. Hindi naman namin sukat akalain na marami sa kanila ang magdadownload ng app. Siguro dahil na rin sa boredom? Hindi pa kami guma-graduate sa highschool nung gawin ni Percy ang app na ito, marami siya naisip na name pero sa dinami-rami ng magaganda SovereignSpark ang pinili ni Percy. Baliw siya sa Harry Potter nun, eh, kaya yung crest ni Salazar Slytherin ang ginamit niyang example para sa cover ng app.

“Okay, guys, ngayon ninyo sabihin sa amin kung masungit o suplada nga itong si Dakota.” Bumalik ang tingin ko kay Clover, siya na humawak sa phone ni Percy at dito ko lang din naalala ginawa ni Dakota.

Namumulot lang naman kasi siya ng bato na may kakaibang kulay, pinapakita niya iyon kay Rize, nung una binabalik niya rin ito sa lupa pero nung madako ang tingin niya sa direksyon ni Tyson, na abala naman sa pakikipag-usap kay Cupid ay binalikan niya yung mga bato na tingin ko ay nagustuhan niya nga. Sa sunod niyang ginawa kami natawa.

Tinungo niya kasi direksyon ni Tyson, dito ko nga lang din napansin na may dala pala siyang bag at nakabukas iyon, hinulog nga ni Dakota ang mga bato roon. Tapos wala man lang kaalam-alam si Tyson, pero nakita ito ni Cupid. Umangat nga gilid ng labi niya na agad ding nabura nung mapansin niya ang camera na nakatutok sa kanila.

Siyempre hindi naman natapos dito yung mga ginawa ni Dakota, pero hindi muna ako nagfocus doon kasi naalala ko yung sinabi ni Clover. Si Dakota raw ay masungit at suplada? Siguro dahil ito sa picture niya na pinost namin sa page ng Sang Real, nung i-announce nga namin ang new members ng Ravens. Since seryoso nga image ng Ravens ay pinaseryoso rin namin sa picture sina Dakota. Medyo badtrip si Dakota nun kaya naman nakakaintimidate talaga yung tingin niya. Napapailing na nga lang kami sa mga nagko-comment na mukha raw itong mayabang. Tapos ang mas nakakatawa pa si Sara ang sinasabihan nila ng magagandang salita. Kaya mas lumalaki ang ulo ng isang iyon, eh. Alam din naman ni Rae ang tungkol dito kaya nga niya pinagbawal ang pagdadala ng phone sa gym, o kung dadalhin man nila ay dapat nakapatay ito during training hours.

Noon naman ay hindi mo talaga makikitaan ng kahit anong gadget si Dakota, iisipin mo pa nga kung may phone ba talaga siya? Para kasing wala. Ginagamit lang ata niya iyon kapag gusto niya magsoundtrip, tulad ngayon. Pero yung akala ko na magsa-soundtrip lang siya ay hindi pala. Mukhang may kausap siya? Nagkatinginan tuloy kami nina Clover, mukhang nagawa na agad niya makahanap nang kakausapin sa SS app. Pero hindi lang ito ang gusto namin ipagawa sa kaniya. Dinare kasi namin siya na makipagkita sa makikilala niya sa app. Siyempre ichi-check din namin kung safe ba yung tao na imi-meet niya. Mahirap na, kahit hindi kasi kilala mukha nitong si Dakota ay ilang beses pa rin siya kamuntikan makidnap. Feeling ko nga natutuwa pa siya kapag nangyayari ito. Yung mga dumudukot kasi sa kaniya, mayayaman din. So, hindi pera ang habol kundi gusto lang talaga siya makasama. Like seriously, kailangan mangidnap? Kung tatanungin lang nila si Dakota, for sure sasama siya. Kaya nga lumuwag pakiramdam namin ngayong nasa camp siya. Mga abala na rin kasi kami sa kaniya-kaniya naming trabaho kaya hindi na namin siya mabantayan. Yung mga hina-hire namin lagi niyang natatakasan kaya...nagtayo na lang kami sarili PMC. Private Military Company na siyempre may pahintulot din ng presidente, in fact siya una naming client.

Little GiantWhere stories live. Discover now