Chapter III

3K 169 77
                                    


Dakota

Naiinis ako, ang daming binago. Hindi na kami ang pinapapili kung saang dorm namin gusto tumira. May sariling dorm yung mga nakapasok dahil may sarili silang invitation kaya wala na naman ako kilala sa pupuntahan ko.

Umaasa na nga lang ako na hindi pa nakakarating sa kanila yung nangyari kanina sa gate. Ayaw ko maging target 'no. Kung bakit ba naman hiniwalay kami sa team namin, e. Dami talaga pakulo ng Crimson Knights pero, pakiramdam ko hindi si Jae ang may sala sa biglaang pagbabago na 'to. May kinalaman dito si Ate Red saka si Ate Clover sigurado ako doon. Sila yung mahilig mamigay ng challenges, e. Alam ko mayroon silang forest dito na maraming trap. As in reflexes mo talaga yung sasanayin. Non-lethal naman daw so it's fine kaya pumayag ako na subukan tapusin yung challenges doon na agad ko ring pinagsisihan. Non-lethal nga mamamatay ka naman sa pagod since walang pahinga. Maya't-maya ka may mati-trigger na trap pakiramdam ko nga noon pati paghinga ko nakakatrigger ng trap, e. Ayaw ko na umulit kahit pa bigyan nila ako ng isang daang milyon hindi ko gagawin. Masokista lang uulit nang uulit doon.

“Please...wala sana makapansin sa akin.”

“Nagdadasal ka ba?” Napasigaw ako tapos sumigaw din 'tong nasa likod ko. Hindi pa kami titigil kung walang lumabas sa pinto at pinag-untog kaming dalawa.

Galing mo Dakota. Way to make an impression. Gusto ko sana awayin 'tong babaeng nanggulat sa akin kaso may kasalanan din ako at ayaw ko na kumapal pa tensyon sa pagitan naming dalawa. Maaaring maging dahilan pa ito para hindi kami magpasahan sa isang laro. Imbis na magtulungan ay kami pa ang mag-aagawan sa bola. Pinahahalagahan pa naman ang teamwork dito. Makakita lang sina Jae na may hindi magkasundo ay agad silang hinihiwalay sa team at bibigyan ng bagong  training menu na gagawin kasama yung hindi nila kasundo.

Again, ayaw ko na mangyari sa akin 'to kasi kung tutuusin ito ang unang beses na maglalaro ako sa isang team after nung injury ko nung highschool. Tama, ito ang totoong dahilan kung bakit hindi ako nakapaglaro nung highschool. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng bitter kapag naaalala ko may gawa ng injury ko. Si Sawyer. My very first rival pagdating sa street basketball. Akala ko noon mayroon kaming mutual understanding, ni minsan hindi rin siya nandaya kapag kami ang naglalaro kaya nakakapagtaka na ginawa niya 'to isang araw bago ang final game namin sa volleyball. Kaya hindi talaga ako nakita noon nina Kat nung magquit ako sa team, gusto ko pa sana panoorin ang laro nila noon pero, hindi ako pinayagan nina Jae. Hindi ko na nga raw malagyan ng puwersa ang kaliwa kong tuhod tapos gusto ko pa panoorin ang game ng Blackjacks? Masisisi niya ba ako? That was my team. Kahit maiparamdam ko na lang sana presensya ko mula sa labas ng court, sapat na kasi yun para malaman nila na hindi ko sila inabandona. Pero tapos na yun, e. Nakaraan na.

Ito na yung present. Time para bumuo ng bagong team and memories. Saka ko na poproblemahin ang Blackjacks kapag nagkita-kita na kami.

Kailangan ko magfocus sa mga makakasama ko sa dorm. First, humingi ako ng tawad dito sa babae na sobrang putla ng balat. Pati labi niya tuyong-tuyo. Ngayon, may sisisi ba sa akin kung bakit ako sumigaw? All white pa damit niya at hindi lang yun! Nakayapak siya at sabog ang buhok. Kung hindi sumisigaw ng multo 'yang appearance niya mayroon naman sa isip ko ang nagsasabi na nakatakas sa mental ang kaharap ko. I don't want to judge pero ang hirap, e. Nasa nature na kasi talaga ng tao 'yon pero atleast hindi ko siya isinasaboses. Yung iba kasi makahusga akala mo perpekto sila. Ugali pa lang nila kapintas-pintas na, e. Wait, atras tayo unti. Sumasakit ulo ko, e.

“Haha. Wala yun, ano ka ba. Sinadya ko talaga ang gan'tong hitsura para i-welcome kayong mga baguhan. Kris Sandoval nga pala. Third year na ako, Captain ng Golden State Knight.” Wow! Kung hindi ako nagkakamali ito ang team dati ni Ate Red.

Little GiantWhere stories live. Discover now