Chapter 20

1.1K 51 2
                                    

Amelia Martini

"Baby, Calm down."

"Nakakahiya kasi!"

   Hindi parin ako maka get-over sa napaka-bobo kong palusot. Pagkatapos kasi non, hindi na ako tinigilan ni Blake hanggang sa inawat na siya ni Kuya, at si Blaine naman hindi ako tinulungang mag-explain. Kunsabagay, ang bobo din naman kasi ng palusot ko, ginamit ko pang excuse ang neck tie na wala naman. Bakit naman maglo-lock ng pinto kong aayusan lang ng tie?

  Napaka-bobo mo, Amy.

   Naramdaman ko ang paghimas ni Blaine sa mga braso ko. "It's fine, Amelia. They would understand."

"Nakakahiya kasi! You should have answered their question at baka mas matino ang sagot mo."

He held my face to turn it infront of him. "Don't frown, baby. We have the whole night to enjoy"

  Ngumiti ako. Oo nga naman, buong gabi ang selebrasyon para sa dalawangpu't taong pagsasama ng mga magulang ko. Imagine, 20 years? I mean, a lot of couples have gone past that long pero nakaka-amaze pa rin na sa loob ng mahabang panahon, nakayanan nila Mommy ang mga pagsubok nila sa buhay.

"Hey," Blaine touched my cheeks when he felt my silence. "What are you thinking?"

"Nothing." I smiled when he didnt look convinced with my answer. "Nothing important."

He sighed . "Let's go out, baby." he held my wrist to help me stand up.

"Everyone's outside already."

    Tumango na ako at tumayo mula sa pagkaka-upo dito sa sofa. Pagkatapos kaming katukin ni Kuya kanina, isa isa na silang lumabas dahil dumating na daw ang iilang mga bisita.

   I was holding Blaine's arms while walking. Hindi ko maiwasang ilapit ang mukha ko sa katawan niya. I leaned close enough for my nose to touch his clothing. Hinalikan ko siya ng kaunti sa braso dahil ang bango niya, sa sobrang bango niya gusto ko siyang yakapin at pangigilan na parang teddy bear.

   Napansin niya siguro ang paghigpit ng hawak ko sa braso niya at medyo tumungo siya sa akin. "I told you, we should've just lock ourselves inside your room". he smirked.

Napalo ko tuloy siya sa dibdib niya dahil baka may makarinig. Binaba ko ang kamay ko sa braso niya at hinawakan ang kamay niya. He immediately intertwined our fingers.

"Hindi pwede!" I pinched the bridge of his nose.

"It's fine." he shrugged his shoulders. "I'll just sleep beside you later."

Kinurot ko siya sa tagiliran bago ako nagpalinga-linga sa paligid. "Someone might hear you."

   He chuckled and kiss the top of my head. Sakto namang nakalabas na kami sa backyard namin, ready na ang mga mesa at upuan. There's also a small stage set up in front filled with blue palette designs. Mom's favorite color is blue kaya blue ang theme ng anniversary nila. Medyo marami rami narin ang dumating.

   Dad made sure that it's going to be an intimate party between close family and friends. Kung iimbitahin ni Mommy at Daddy lahat ng kilala nila, hindi kami kasya dito dahil ang daming kilala ni Daddy lalo pa't Mayor siya ng lungsod namin.

Two Steps Behind (TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora