"Is the previous warden still here? Kailangan ko siyang makausap!"

Akmang aalis na sana ako para hanapin ang opisina niya nang hablutin ni Richard ang braso ko at marahas akong hinila pabalik. Napadaing pa ako sa sakit nang bumaon ang mga kuko niya sa balat kong puno pa rin ng sugat. Sinamaan ko siya ng tingin, "What the fuck? Let go of me!"

"Hindi yata na-diagnose ni Dr. Rabbit ang may katangahan ka rin pala. It seems like you're suffering from both insanity and stupidity! HAHAHAHA!" Humagalpak ng tawa si Richard. Nagtatago ang panganib sa likod ng kanyang malalaking mata. "Magsasayang ka lang ng pagod, Asmodeus. The old warden isn't here anymore. Bumibisita na lang siya rito tuwing katapusan."

"Katapusan?"

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumango si Albert. "He's right. The former warden is one of the founders of Eastwood Asylum. Ayon sa usap-usapan ng mga nurse, nagkaroon siya ng 'personal problems' kaya siya bumitiw sa pagiging warden. Though, he visits the asylum every last day of the month. Wala siyang tiwala sa kasalukuyan nating warden kaya siya dumadalaw. He doesn't like how she ran this place after he left."

Sandali akong napaisip. Kung ganoon, babalik siya rito sa katapusan.

Nineteen days.

I have exactly ninteen days before his arrival. Kung tutol pala siya sa pamamalakad ng warden namin ngayon at siya mismo ang nagpanukala ng unspoken rule noon para maprotektahan ang mga pasyente, malaki ang posibilidad matutulungan niya akong makalabas dito. Hindi ko na kailangang mamatay at mabulok sa lugar na ito.

Finally, a glimpse of hope.

"Tatakas ako..."

Agad akong tinitigan ng dalawang pasyente. Maging si Mary, panandaliang hininto ang pagkukwentuhan nila ng kanyang mga "anak". Namayani ang katahimikan sa hardin pero ramdam kong nakabantay sa'min mula sa malayo ang mga gwardiya. Their menacing stares sent a chill up my spine, but I paid no attention to them. Mabuti na lang at hindi nila kami naririnig mula rito.

"Tatakas ako," pag-uulit ko. Sa pagkakataong ito, mas may diin ang boses ko.

Buo na ang desisyon ko.

Hindi ko sasayangin ang buhay ko sa asylum na ito.

Tulad ng inaasahan ko, pagak na natawa ulit si Richard at pabiro akong hinampas sa balikat. May bahid ng pang-aasar sa kanyang mga mata nang ngumisi siya sa'kin, "Nakainom ka na ba ng gamot mo? HAHAHAHAHA! Wala na. Parang wala ka nang pag-asang gumaling, pre."

Alam kong anumang oras mula ngayon, bigla na namang susulpot si Nurse Isabelle para sunduin ako.

Tinabig ko ang kamay niya at inis na nagsalita.

"Damn it, Richard! I'm serious here! Tatakas ako rito sa asylum."

"You're being a very bad boy Asmodeus. Hindi ka ba natatakot sa kung anong pwedeng gawin ni warden sa'yo? You can't escape this place..." Mary stood up and spoke in a creepy tone. Her voice sounded hollow and empty, "they are always watching us."

Pinilit kong isantabi ang kabang nararamdaman ko at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko, pero wala na akong ibang maisip na paraan. Tinitigan ko silang tatlo at lakas-loob na nagsalita, "Tama ka. Siguro nga hindi ko kayang tumakas sa lugar na 'to nang mag-isa. But if we can work together---!"

"Work together?" Hindi makapaniwalang sabat ni Albert. He sighed and shook his head in disappointment, "I know a lot of people who are crazy geniuses, but I think you're just plain crazy, Asmodeus. Hindi basta-basta ang seguridad sa Eastwood Asylum. Imposibleng makatakas sa lugar na ito! It defies even the laws of physics!"

✔Welcome to the Asylum Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin