"Tatawagan kita." Lumiwanag naman ang mukha nito.

"Alright. I'll wait for your call. Bye." Humalik pa ito sa pisngi ko bago umalis.

Naglakad ako papuntang kwarto para tignan kung nandon pa si Brie pero wala. Sunod kong pinuntahan ang swimming pool area.

I saw Brie. Nakalublob ang paa niya at nakasara ang kamao. I'm nervous now and I don't fucking know why.

I took a deep breath. "Brie—"

"Hindi mo naman sinabi sakin na maliban sakin ay may iba ka pa palang planing buntisin." Pagak itong tumawa. Nagtangis ang ngipin ko dahil sa sarcastic niyang pagtawa.

"No. It's not like that, Brianna—" Tumayo ito at nag suot ng tsinelas na binili namin kanina.

"Uuwi na ako. Gusto ko na magpahinga. Sasakay na lang ako ng bus." Lalagpasan niya na sana ako nang sapuin ko ang braso niya.

"Ano bang problema?" Tanong ko. Damn. Bakit pa ba ako nagtatanong?

"Wala." Tumungo ito at iniwas ang sarili niya sakin. Parang may maliit na kamay na kumurot sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Parang nandidiri ito.

"Brie, ano ba? Dito ka matutulog." Pinipigilan ko ang sarili kong sigawan siya dahil ako din ang may kasalanan pero umiling lang ito.

"Hindi na. Dito mo na lang patulugin yung Kylie para naman hindi ka mabitin." Dumiretsyo ito papasok sa bahay ko pero hindi ko siya nagawa pang sundan agad.

Pumasok ako sa loob at umakyat para puntahan siya pero wala. Ang bilis naman yata niya? Naiwan lahat ng binili ko sakanya maliban sa bag.

I grab my car key. I want to apologize about what happened.

Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho papunta sa apartment niya. Medyo malapit na ako nang medyo na traffic.

Fuck.

Napakunot ang noo ko dahil may kumatok sa bintana ng kotse ko. Tinted naman ito. Binaba ko ang windshield.

"Yes?" Mukhang namamalimos ito.

"Penge po pagkain." Napataas ang kilay ko. Mukha ba akong may pagkain? Nasan ba ang nanay nito? Tsk.

"Wala akong pagkain. Umalis ka na." Tumungo naman ito kaya itinaas ko na ang windshield.

Damn!

Mabilis akong naglabas ng wallet at naglabas ng isang libo bago ibaba ang windshield. Batang bata pa ang lalaking 'to.

"Oh," Inabot ko sakanya yung isang libo. "Ipang bili mo ng pagkain 'yan 'wag ng kung ano ano." Nakangiti naman niya itong tinanggap.

"Salamat po!" Ngiting ngiti ito na umalis sa gilid ng kotse ko at lumapit sa mas maliit pang bata.

Bakit ba nasa lansangan ang mga batang yan? Nag-aaral pa ba yan?

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho papunta kay Brie at nang makarating ako ay agad akong kumatok.

Hindi naman nagtagal nang buksan niya ito. May hawak itong damit na pinangtatakip niya sa katawan niya.

Why is she naked?

Tinignan ko agad ang loob kung may kasama siya and thank God dahil wala.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit nitong tanong. "Asan yung Kylie Santiago?" Pinigilan kong mapangisi.

"Kylie is just my old fling. Wala akong balak na buntisin siya dahil ikaw lang ang gusto ko." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din. Mukhang biglang lumamig ang ulo niya.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon