❤❤~Chapter 14~❤❤

4 1 0
                                    

Ashley's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng celphone ko kaya napa upo ako sa higaan ko at dinampot ang cp sa side table

'kung sino man ang tumawag sakin ng 4:46 ng umaga lagot siya sa akin' sabi ko sa isip ko

“Ano ba?! Ang aga-aga eh” bulyaw ko agad sa tumawag

(HOY! ASHLEY SINONG SINASABIHAN MO?)

Nang marinig ko ang boses niya ay nanginig ang buong katawan ko sa takot

Omygod lagot ako neto

“S-sorry pa, hindi ko sinasadya” sabi ko sa kabilang linya

Ang tangan mo Ash bakit ka nautal?

(dapat lang o siya yung mama mo na ang kakausap sayo...) sabi niya may binulong pa siya pero hindi ko na narinig maya maya lang ay narinig ko na ang boses ni Mama

(Anak) nag aalalang tawag sa akin ni mama

“bakit ma?” mahinahon kong tanong

(ayoko sanang makasama mo ang tatay mo ng ilang araw pero wala akong magagawa)

“anong ibig mong sabihin ma,?”

(may mag iinvest kasi ng pera sa hacienda at gusto niyang makita ang tatay mo para makausap ng personal...)

Hindi ko alam pero feeling ko na iiyak na ako alam kong mahirap kay mama na makasama ko si papa dahil hindi nga kami close ni papa at lagi niya akong pinapagalitan

“ma, anong ibig niyong sabihin?” naiiyak kong tugon sa kanya

(anak 1 week lang naman eh kung ayaw mong sumama sa papa mo sabihin mo lang sa akin at pipilitin ko siya) napailing nalang ako kahit hindi niya nakikita

Hindi ko pwedeng tanggihan si papa dahil baka magalit siya sa akin. Kahit nasisigawan niya ako dahil galit siya sa akin ayoko parin siyang tanggihan lalo lang siyang magagalit sa akin

“hindi ma kasilangan ko baka lalo lang magalit sa akin si papa” sabi ko

Ayoko ng maging mahina sa harapan ni papa ayoko na lagi niya akong nakikitang umiiyak dahil sa kanya kailangan kong maging matapang

Kailangan ko siyang harapin siguro may rason kung bakit siya galit sa akin kung bakit niya ako laging nasisigawan

(sige, basta kapag gusto mo nang umuwi tawagan mo lang ako susunduin kita)

“opo ma, kelan ba kami pupunta sa laguna?” tanong ko

Dun kasi sa laguna ang hacienda namin matagal na rin akong hindi nakakabisita doon na mi-miss ko na rin ang lola ko sa side ng papa ko

Kung si papa galit sa akin ang nanay niya hindi si lola arnida nalang ang kakampi ko sa side ni papa dahil kahit mga kapatid niya galit sa akin at kay mama except lang kay tita josefina

Si lola arnida at tita Josefina ang kakampi ko sa side ni papa pero naging si lola nalang dahil nag ibang bansa si tita josefina

(mamayang madaling araw mga alas tres 7 hours ang byahe papunta doon mag papahinga kayo ng 2 oras pag punta niyo dun tapos after lunch pupuntahan na ng papa mo ang investor sa meeting area ng mansiyon. Kung gusto mo wag ka nalang sumama sa papa mo para maka gala gala ka naman sa hacienda) paliwanag ni mama sa akin

“sige ma, akong bahala” sabi ko at binaba na ang tawag pinunasan ko ang luhang dumaloy mula sa aking mata

                        

Hindi na ako pumasok ngayon para maihanda ko ang mga kakailanganin ko for 1 week after i-meet ang investor bibisitahin ko si mang kanor ang mag sasaka sa maisan namin siya ang ka close ko sa kanilang lahat kaya sa kanya ako mag papasama bukas sa pag lilibot

Nag dala ako ng leather jacket, maong pants, dresses, maong shorts, t-shirt at leggings

Yan lang ang dala ko at ang mga under wears nag dala rin ako ng swim suit dahil nag babalak akong pumunta boracay after ng 1 week in hacienda naka excuse naman ako kaya sulit sulitin na natin

Lumabas na ako ng kwarto dala ang dalawang maleta ko pumunta ako sa sala at itinabi ang mga gamit ko

Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si mama. Ilang ring bago ni mama sinagot ang tawag

“mama,” tawag ko sa kabilang linya

(oh anak ba't napatawag ka) tanong ni mama sa akin

“mama, pwede ka bang mag padala ng katulong dito sa bahay para may katulong ako sa mga gamit?” Tanong ko kay mama

(sure, magpapadala ako ng dalawang katulong jan atsaka driver na rin)

“no mama ako na mag da-drive” panandaliang sabi ko

(hindi, baka kung ano ang mangyari sayo at ma-ospital ka rin) nag aalalang sabi ni mama

Napakatok ng lang ako sa kahoy na pintuan ko

“mama naman 'wag kang ganyan baka mag katotoo” napatawa naman si mama sa kabilang linya

(sige na nga o basta mag ingat ka sa pag da-drive) sabi ni mama napangiti naman ako dahil kahit papaano may pag aalala pa rin siya sa akin

“sige ma, bye love you” sabi ko

(sige bye i love you too) sabi ni mama at ibinaba na ang linya napa upo nalang ako sa sofa habang hinihintay ang pinadalang katulong ni mama

Maya-maya lang ay biglang may nag doorbell. Siguro sila na yan

Pumunta ako sa pinto at binuksan yun pero iba ang bumungad sa akin

“anong ginagawa mo dito?” iritadong tanong ko sa kanya nakakinis naman kasi eh wrong timing siya

“ako ang mag hahatid sayo nabalitaan ko kasi kay tita na nag padala ka dalawang katulong” nakangiting sagot niya bigla nalang akong napa irap nakaka bad vibes naman kasi ng ngiti niya eh

“tita?” nagtatakang tanong ko

“yap, bussiness partner kami ng papa mo at bumibisita rin ako sa bahay niyo” sabi niya

“so? Bussiness partner ka lang wala kang karapatang tawagin si mama ng tita” sabi ko sa kanya at pumunta sa sala

“eh yun sabi niya eh” sabi niya at sumunod sa akin huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya

“atsaka sabi ko katulong ang ipadala dito hindi basurero” sabi ko at umupo sa sofa na malapit sa amin umupo rin siya sa katabi kong sofa

“grabe ka naman basurero agad? Sa pogi kong toh” sabi niya

“harry ang lamig noh ang lamig” sarkastiko kong sabi ko sa kanya

“malamig talaga tignan mo 18 digree celcous yung aircon mo” sabi niya at pinakita ang remote ng aircon

'tss... Pilosopo'

                                          

When A Bad Girl Fall In Love (on Going)Where stories live. Discover now