Chapter 43

264K 12.1K 7K
                                    

#RTG43 Chapter 43

Dahil ang magaling kong anak ay hindi yata nagdala ng maninipis na damit, kinailangan pa naming pumunta sa mall para bumili ng t-shirts niya. Halos mamatay na kasi siya sa init kanina nang pumunta kami sa Intramuros. Porma-porma pa kasi siya, e sinabihan ko na nga na mainit. Hindi niya tuloy masyadong na-enjoy iyong lugar. Tuwang-tuwa pa naman siya sa mga kabayong nakita niya tapos nagbike din siya.

'Di niya lang aaminin, pero nag-enjoy talaga. 'Di matatanggap ng munting pride niya na maganda sa Pilipinas.

"How long, Mom?" he asked.

"Around 10 hours?"

He pouted. "I'll sleep," sabi niya. Sumandal siya sa balikat ko. Malapit na talaga akong matangkaran ng batang 'to. Sabagay... Matangkad din ang tatay niya, e. Baka magulat 'tong si Sandro kapag nakita niya iyong tatay niya kasi kamukha niya talaga, e. Habang lumalaki si Sandro, mas lalo siyang nagiging kamukha ni Sancho.

Tsk. 'Di na siguro sila talaga magbabati ng Tita niya. Si Irina ay galit na galit kay Sancho... Tapos si Sandro, kamukhang-kamukha ni Sancho.

Mabuti na lang at pagod si Sandro sa paggala namin kahapon kaya halos diretso lang iyong tulog niya. Gumigising lang siya para kumain tapos natutulog din agad. Hindi ako maka-tulog dahil kailangan kong bantayan iyong gamit namin... At saka pinapa-nood ko rin iyong mga daan.

Ten years.

Ang dami ng nagbago.

Nang maka-rating kami roon, agad kaming nagcheck-in sa hotel. Nagtext na rin ako roon sa abogado na nandito na kami. Gusto ko sanang nagdrive na lang papunta rito para maka-ikot kami kaya lang ay 'di ko naman masyadong kabisado iyong daan.

We took a nap. Nang magising ako ay nakita ko si Sandro na kumakain na.

"Kanina ka pa gising?" I asked.

"Yes."

"Dapat ginising mo na ko."

"You didn't sleep in the bus," he simply said. "You want bread?"

Ngumiti lang ako habang umiiling. I wouldn't know what I'd do without this kid. Minsan, feeling ko pinadala siya ni God para hindi ako mabaliw.

Naligo lang ako dahil nanlagkit ako sa haba ng byahe. Sinabi ko kay Sandro na pupuntahan namin iyong lawyer para sa lupa. Normally, he's not a big fan of lawyers kasi nga lagi akong nachi-chismis sa lawyers dati. Pero lawyer lahat halos ng kaibigan ko. This kid needs to learn that life isn't just plain black and white—ang daming gray areas.

"Good afternoon," I greeted. "Atty. Cruz?"

"Yes," sabi niya habang may nilalabas na mga documents.

"I was just wondering... I thought nabenta na sa mga Cantavieja iyong lupa?" tanong ko. Ramdam ko agad iyong pagtingin sa akin ni Sandro. Kahit hindi ako naka-tingin, alam ko na naka-kunot ang noo niya nang marinig niya ang apelido ng tatay niya.

"Well, yes, but it was donated back to them by Mr. Sancho Cantavieja," sabi niya.

Wala na ring Atty. Cantavieja.

"This is their will—stating that you'll be the sole owner of the 10 hectares of land," sabi niya at hindi ko mapigilang umawang ang labi ko sa sobrang pagka-gulat. 10 hectares? That's too much!

Marami pang pinaliwanag sa akin iyong lawyer tungkol sa transfer certificate title at kung anu-ano pang technicalities na hindi ko masyadong naintindihan dahil hindi ko forte iyong tungkol sa lupa kahit pa nung abogado pa ako.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon