Chapter 33

258K 11.5K 15.6K
                                    

#RTG33 Chapter 33

It was hard to... stop.

Once we began, it was just impossible to stop.

"May trabaho pa ako," sabi ko habang pilit na tumatayo, pero agad akong napa-balik sa kama nang hatakin niya ako. Sancho wrapped his limbs around me, at saka parang bata na siniksik iyong mukha sa gilid ng leeg ko.

"May trabaho din naman ako," sagot niya.

"E 'di tayo na at tumayo dahil male-late tayo," sabi ko pa at sinubukan ulit na tumayo pero ang lakas talaga ng kapit niya sa akin.

"Let's skip work today," sabi niya na dahilan kung bakit natawa ako. "Never pa akong naka-absent sa trabaho... Absent na tayo, Lyana..." sabi niya habang hinahalikan iyong leeg ko.

Natawa ako dahil nakiliti ako. "Sa malaking firm ka kasi nagta-trabaho. Kawawa naman sila Jax kapag umabsent ako," sagot ko sa kanya. Huminto siya sa paghalik sa leeg ko at saka bumuntung-hininga. "Fine."

"Magkikita naman tayo mamayang gabi."

"Pupunta ka ba kay Atty. Velez?" he asked habang tumatayo ako at isa-isang sinuot iyong damit ko. Hindi naman ako lumipat sa unit ni Sancho... pero minsan, hindi namin napipigilan kaya dito na rin ako natutulog.

It was highly illegal.

And a lot disrespectful.

But years have been wasted already...

And who knew kung gaano katagal iyong annulment procedure? Alam ko na lalabanan ako ni Sean gaya ng sabi niya... Hindi lang ako nagsasalita, pero ang totoo ay kinakabahan na ako... Hindi ako kagaya ni Sean na walang katapusan ang pera pambayad sa abogado. I just wished that he'd see things from my perspective para maintindihan niya kung bakit ko 'to ginagawa...

"Kapag hindi busy sa office."

"You want me to accompany you?"

"Wag na," simple kong sabi. Mahigpit na sinabi sa akin ni Atty. Velez na 'wag akong makikipagrelasyon sa kahit kanino habang inaayos pa iyong annulment namin ni Sean... pero wala na. Nagawa ko na. Paulit-ulit pa.

"Can I at least drive you to work?" tanong niya na bahagyang naka-kunot ang noo. Natawa ako dahil para na siyang bata na inagawan ng candy.

"Oo na," sagot ko bago ako tuluyang tumayo at bumalik na sa unit ko para maghanda. Nagsuot lang ako ng karaniwang sinusuot ko kapag nasa opisina ako. Hindi naman ako nagme-makeup masyado—iyong sakto lang para presentable pa ring tignan.

Nang matapos ako, hindi na ako nagulat na nandun si Sancho sa labas ng pinto. Parang nahigit iyong hininga ko nang makita ko siya. Alam ko naman na gwapo siya... pero parang mas lalo pa siyang gumwapo nang mas makilala ko siya.

He's too... wonderful.

Nanghihinayang talaga ako kung bakit hindi niya na lang talaga ako niligawan dati. Sa tingin ko naman papayag ako.

"Ready?" he asked while he was wearing suit and tie dahil may aattend-an ata siyang hearing ngayon bilang co-counsel. Sinaway ko na nga kagabi na 'wag na akong kulitin dahil may hearing pala, pero ready na raw siya roon. Ang kulit.

Habang naglalakad kami, nagku-kwento lang siya sa akin tungkol sa mga ginagawa ko nung nasa law school pa ako. Nawalan na kasi talaga ako ng pag-asa na may maaalala ako... Pero ayos lang. Maganda namang magkwento si Sancho. Lasinggera daw ako nung nasa law school ako... Grabe siya magdescribe sa akin.

Naglalakad lang kami nang sabay, pero nang nasa loob na kami ng sasakyan niya, nabigla ako nang abutin niya ang kamay ko.

"Bakit?" tanong ko.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon