XV - MEETING MY RIVAL

95 1 1
                                    

<<Stephanie's PoV>>

"INIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS!" binato ko na lahat ng unan sa hotel! Nakakabanas! Bakit pa kasi andun siya?! Vice President pa siya ng company! Tapos, model pa! Edi makakasama ko siya every photoshoot! Tapos, pesteng contract! Di ko pa nabasa! INIS! >____<

"HOY! SIS! Tama na yan! Kung gusto mo, dun na lang tayo sa bilihan ng Unan!!!"

"Manahimik ka muna Carter! Kailangan ko ng PEACE OF MIND!"

"EH PEACE OF MIND BA YANG GINAGAWA MO?!"

-___- Okay. Sige. Hindi nga ito PEACE OF MIND

After 5 minutes, nagtanong si Carter kung anong nangyari. At sinabi ko sa kanya ang lahat.

"Wow! Sis! I think, He likes you!"

"Like me?! Like ME?!" shemay! Anong like?!

"GRABE MAKASIGAW! ANG LAPIT LAPIT KO EH! MEGAPHONE ANG PEG NG BUNGANGA MO?! LIKE?! WALA BA SA DICTIONARY MO ANG WORD NA LIKE?!" aghhh! Inis talaga tong Carter na ito! >___<

"Ewan ko sa iyo! Oo! Wala sa dictionary ko! Kung sayo meron, pwes sa akin, matagal ko nang inialis!" sabay walk out sa kwarto at pumasok sa CR. Nilock ko ito para hindi magsabog ng kadaldalan si Carter. 

Biglang nagring yung cellphone ko. Unregistered number.

"Hello?"

[Eh bakit ayaw mo ilagay yung word na LIKE sa dictio--]

-_____- Binaba ko na. Bwiset ka talaga Carter! SISIPAIN NA KITA PAPALABAS NG HOTEL NA ITO EH! Di ka nakakatulong! Imbyerna.

Naghilamos ako ng mukha at tsaka lang pumasok sa utak ko yung mga pinagsasabi ni Carter. Buffering? Loading? LR? Hayy. Nagustuhan ba nga ba ako ni Xavier? Weh? Pero, di ko talaga alam ang word na LIKE dahil wala nga yun sa dictionary ko.

Lumabas na ako sa CR at nakita kong nanunuod si Carter ng TV. Ang palabas ay Spongebob. Wow. Favorite ko din ito eh. Kaya, umupo ako sa tabi niya at kumuha ng chips na kinakain niya.

"Sho, Shis. Paano na kayo ni Papa XHavier?" - si Carter yan habang kumakain ng chips.

"Bakit ka ba tanong ng tanong? Curious teh? Di ko naman kinwento lahat sa iyo eh. Kaya kung di mo alam ang rason. Wag ka nang makigulo. Pasikat lang?" -___- sabay kain ng chips.

"Eto naman! Bakit ba ayaw mo ikewnto lahat sa akin?!" 

"Eh sa tinatamad ako."

"Sus. Ang sabihin mo, inlove ka pa din kay Papa Xavier!" - sabay harap ni Carter sa TV.

"ANO?! In your dreams! Di maaari! Di na ako mafafall sa gagong iyon! You'll see!"

"O sige. Pustahan." aba. Naghamon? Tsk. Lagi kaya akong nananalo sa pustahan! Kahit sikat na ako, nakikipagpustahan pa din ako nu!

"Game! Ano yon?"

"Ikaw, ang pusta mo, di ka maiinlove kay Xavier. Ako naman, pupusta ako na maiinlove ka ULIT kay Xavier." yan lang? Ge ba!

"Yan lang ba? O sige. Deal!"

"Deal deal ka diyan! Nga pala. Anong plano mo bukas?" 

Bukas? Ay. Oo nga pala. Wala akong photoshoot or interview bukas. Next week ata ulit. YES! Next week ko pa makikita yung gagong yun! Baka mafall nana--- Este. Baka, mapatay  ko siya ng wala sa oras eh!

Falling For You [ON HOLD]Where stories live. Discover now