XVI - It's a DEAL! *short update*

49 0 0
                                    

<<Stephanie's POV>>

Jusko. Naiimbyerna pa din ako sa mukha nung Lalaine Bitch na iyon! Tsch! Kala mo naman kung sinong maganda! Eh, ang itim itim naman!

"Mas maputi pa ako doon eh! Malay ko ba kung nageendorse yun ng Toyo!"

Sabay tingin sa salamin. Mas maganda naman ako sa kanya eh. Tsk. Nga pala. Andito ako sa hotel room namin ni Odile. At sobrang naiinis ako sa biatch na yon. Alam mo iyon?! Kaimbyerna ng araw!

"Hoy, Stephanie, nagshashabu ka ba ha?"

Anak ng tokwang?! ANO DAW? Sa ganda kong ito, nagshashabu ako?! Haler! Parang naman!

"Hoy Odile! Bunganga mo naman! At bakit mo nasabing nagshabu ako ha, aber?!"

"Kanina mo pa kaya kausap yung salamin. Aba. Matakot ako pag nagsalita pabalik yan!"

"Ts! Ewan ko sayo!" nagwalk out na ako sa banyo. Isa pa itong Odile na ito eh! Pag hindi tumigil bunganga nito, papakainin ko sa kanya lahat ng unan na nandito sa hotel na ito!

Dahil nga wala naman akong sched ngayong pictorial, di ko makikita yung pagmumukha nung Xavier na yun! MUWAHAHAHAHAHA. Magsama sila ng Iris niya! Buti nang bitter. Yun lang naman ang alam kong way para makamove on.

"Uy, Bes, Ano nga pala nangyare sa inyo ni Papa Xavier? Balita ko, hinila ka daw niya papuntang elevator?" Tsismis talaga.

"Wala. Nangamusta lang naman siya."

"Sus. If I know, kinilig ang bruha."

"Kilig your face! As if Odile!"

"Kakainin mo din yang sinasabi mo!"

"Psh. Ewan ko sa iyo. Pag ikaw nafall, pagagawan mo ako ng sarili kong kumpanya ah!"

"Aba! Sige! Yun lang naman pala eh." hinahamon talaga ako ng babaeng ito ah.

"O sige. Gawa tayo ng deal. If ever na mafall ka ulit kay Papa Xavier, pagagawan mo ako ng sarili kong company. At syempre,puro HAWT PAPABLES ang workers ko doon." Manyakis talaga tong bespren ko nuh? Pagpasensyahan niyo na. Siguro pag POV niya, rated SPG nuh?

"Deal. Eh paano pag ako nanalo?" tanong ko.

"Aba. Malay ko sa consequence mo!"

"Hmm.. Bawal kang lumandi for 1 year?" and I gave her a grin.

"WHAT?! BU--" HAHAHAHA. Alam kong di nito matitiis lumandi eh.

"No Buts Odile! It's a deal."

"Psh. FINE! WHATEVER! I'm so very very verrrrrrrrrrrrry Sure that I'll win this deal."

"Mukha mo."

"Na mukhang diyosa!"

Akala talaga ni Odile mananalo siya eh? Ha. In her face. Napagod na ako dati na habulin siya. Napagod na yung puso kong masaktan. Napagod na itong umasa. Ngayon pa kaya? Ngayong MANHID na itong puso ko?

Falling For You [ON HOLD]Where stories live. Discover now