V - Girlfriend na niya ako.

37 0 0
                                    

<<Ella's PoV>>

Paalis na sana ako sa bahay ni Gwapong masungit nang biglang.

"E-Ella." kilala ko yung boses na yun. Wag mo sabihing si..

"Ace.." at di lang siya magisa. Biglang lumitaw sa likod niya si "Pia."

"Hi Ella! Long time no see!" bati sa akin ni Pia.

Shit. Di ko alam ang sasabihin ko. Di ako makatingin sa kanilang dalawa. Kasi.. 

Kasi, masakit. Napakasakit.

"L-long time no see din Pia!" Hay! Ella! >_<

"So, bakit ka nandito nga pala?" shit. Puede bang paalisin na ako dito ni Pia.

Tinignan ko si Ace. Umiiwas din siya ng tingin sa akin. "Uhm.. Kasi.."

"Kasi ano?" taena. Kung legal lang pumatay, napatay ko na si Pia.

"Kasi Girlfriend ko siya." O_O Biglang nagsalita si Asungot sa likod ko at bigla akong inakbayan.

"G-girlfriend ka niya?" nauutal na tanong ni Ace.

"Oo. Girlfriend niya ako." shit. Ella. Wala na eh. Pati, may deal kayo. Pati, umakbay na siya! Instant pera. ^_^v

"Oh. Girlfriend ka pala niya. Ang ganda naman pakinggan niyan. Diba Bebeko?" so, Bebeko pala tawagan nila. Bebeko Bebeko. Bebekohin ko mukha nito eh. Inis!

"A-ah. Oo. Tama! Congrats Pre ah! Alam mo, mabait yan si Ella! Mapagkakatiwalaan pa yan. Tsaka, marunong din yan magluto. Pati Pre, napakalambing niyan at---" biglang naputol ang pagsasalita niya kasi, kinurot siya ni Pia sa bewang. HAHAHAHA. Pero, totoo yun?! :') Kinikilig ako! Enebe! :') ANO PIA?! PALAG KA?! BEBEKO BEBEKO KA PA HA! HAHAHAHA!

"Don't worry, pre. Mararanasan ko din lahat yan. Kasi, alam kong magtatagal kami ni Ella. Right, Honey?" Honey?! BLEH. YAAAAAK. HONEY MO MUKHA MO! Tsk.

"Ah. Oo. Tama. MAGTATAGAL KAMI." Hay. Wala na akong masabi eh.

"Psh. Uhm, So Anyway, Kaya kami pumunta dito kasi, mayroong party na gaganapin sa resto nina Ace bukas. So, gusto ko namang, makapunta ka, Xavier. Kung gusto mo, isama mo na din si Ella." party? Sa resto ni Ace?

"Ah. Sure! Sama ka ba, Honey?" isa pang Honey, may bayad na yun! >_<

"Sure. Wala naman akong gagawin bukas eh." psh. Ano pa nga ba? Gusto ko din makita si Ace bukas nuh. :P Kahit na kasama pa niya si Pia. Aray.

"So, lahat ng guest, okay na. Pati parents ko, Okay na din. Eh yung parents mo bebeko, sasama ba?" Parents nila pareho? Aray. So, bukas, talagang legal na sila. AS IN LEGAL.

"Ah. Yes, bebeko. Aattend din sila bukas." </3

"So, una na kami ni Bebeko ah! Geh Goodbye!" sabay hila ni Pia kay Ace paalis. Bago pa siya makalagpas ng pinto, nagkatinginan kami ni Ace. Shit. Mahal ko pa din siya.

"INIS. DAPAT, AKO ANG KASAMA NI ACE NGAYON!"

"Hanggang ngayon pa din, mahal mo pa siya?" si Asungot! >_<

"Psh! Oo! At, wapakels ka! Nga pala, dagdag sa bayad yung pagtawag sa akin ng Honey ah! Ayoko nun! Pwe!" Kadiri naman talaga eh! Honey?!

"Ang arte at choosy mo! Buti nga kahit papaano, sweet! Anong gusto mo?! Bebeko?!" WAG MO NA IPAALALA SA AKIN ANG TAWAGAN NILA. NAIINIS AKO SA MUKHA NI PIA.

"Tse! Ewan ko sayo! Basta! Kasama sa bayad yun! O siya, aalis na ako." Paalis na sana ako sa bahay niya nang biglang may pahabol si Gwapo.

"Bukas ah. Be ready. Susunduin kita sa inyo ng 5 pm. Maganda ka dapat bukas ah." 

"O sure. Whatever. Lagi naman akong maganda." psh. Anong akala niya sa akin? Panget? Duh. As if naman! Ang gwapo gwapo ng tatay ko! Ang ganda ganda pa ng nanay ko! Kung panget ako, ampon ako! At salamat! Makakaalis na din ako.

--

"Hello? Odile" tinawagan ko si Odile. Ang sakit pa din ng mga nangyare kanina. At, kinwento ko sa kanya yun. Pati, yung deal namin ni Xavier. Kinwento ko. Andito nga pala ako sa favorite sushi restaurant ko. Ang sarap kasi ng mga pagkain nila dito eh. 

"Dapat, sinabuyan mo ng asido yung mukha nung Pia na yun!" sabi ni Odile sa kabilang linya. Galit na galit nung kinwento ko sa kanya yung nangyare.

"No way! Andun si Ace! Baka, maturn off sa akin yun." sabay lamutak ng sushi na inorder ko.

"Nako bespren. Kung ako yung nandoon, Nasa impyerno na yung gagang yun." 

"MASYADO KA NAMANG MASHAMA!" grabe naman tong Bespren ko.

"Tsk. So, wag na natin pagusapan si Pia. Baka mamaya, sukain mo lang lahat ng kinain mo. Yung sa inyo ni Xavier." tsk. Si Asungot nanaman?

"Wag mo na ipaalala yun."

"Hay. Eto lang maipapayo ko Bespren. Gamitin mo si Xavier." gamitin saan?

"Saan?"

"Sa pagpapaselos kay Ace." Oo nga nuh? Tignan niyo. Gumagana din pala ang utak nito kahit papaano?

"Oo nga nuh."

"Oh, edi pag nagselos siya, churva na siya papunta sayo sabay sabi ng 'ELLA, IKAW TALAGA ANG MAHAL KO AJUJUJUJU' Tapos, happy ending na kayo! Tapos, end na ang deal niyo ni Xavier!"

"Shit! Brilliant! Tama ka diyan Bespren! Simula ngayon, Girlfriend na ako ni Gilbert Xavier Mendoza. Simula ngayon, Girlfriend na niya ako." 

Falling For You [ON HOLD]Where stories live. Discover now