XI - How do I live without you?

32 1 0
                                    

<<Ella's PoV>>

O_O

Okay. Ako na ang di makaget over sa mga nangyare.

Shit. Pakshit.

Dalawang beses kami nagkiss kahapon? 

Kikiligin ba ako  o malalandian sa sarili ko? T____T 3 beses na kami nagkiss.

Malandi nga ako siguro. LOL. No way. Di ako papayag.

Monday ngayon. Tulala ako habang naglelecture. Di pumasok si Xavier ngayon. Ano kaya nangyari doon? Psh. Baka, nagkasakit? Paanong nagkasakit? Baka, nalason sa halik ko? Hala! Ako pa ngayon may sala? Siya unang nanghalik eh. Gumanti lang ako.

<BREAK>

Kinwento ko lahat ang nangyari kay Odile. At walangya, daig niya pa ang kitikiti sa sobrang kilig! Halos matorture na ako sa bawat hampas niya sa braso ko.

"Masarap ba bespren?" - Odile

"H-ha?" Oo. Masarap. Sobra. MAINGGIT KA.

"OMG OMG! SANA AKO NA LANG YON!" 

"Aray!" binatukan ko kasi siya. ANONG SIYA?! Di ako papayag! Over my dead body!

"Sabi ko naman sa iyo eh! Mafafall din siya!" - Odile

"Ewan ko sa iyo. Pero, nafall na siya sa tingin mo?" laking ngiti ko kay Odile.

"OF COURSE MY GAWD! HAHALIKAN KA BA NIYA KUNG DI SIYA NAFALL SA IYO?!" She's right. Ohmygosh. Kinikilig ako. Ako na macharot. Hehehehehe.

Pagkatapos nung usapan namin, buong araw ko inisip si Xavier. Bukas, pag pumasok siya, I'll end the deal. Sasabihin ko na ang true feelings ko sa kaya. Malay niyo, nahihiya o natotorpe lang siya kaya nagkakaganon. Hehehehe. Basta, ang alam ko, Gustong gusto ko na si Xavier, At oo nga naman. Hahalikan ba niya ako kung wala siyang nararamdaman sa akin.

--

Dismissal

"Osige! Bye Bespren!" - Odile

"Bye!" Uuwi akong magisa ngayon. May gagawin pa daw si Odile eh. Ewan ko kung ano yun. Dumaan muna ako sa park. Pahangin muna ako.

"I miss you so much. Sana pala, di na lang ako pumunta ng America nuh?" - Girl

"Iris, i miss you din."

Iris? 

Wait. Familiar yung boses na yun ah. Wag niyo sabihing si..

XAVIER YUN?!

Lumingon ako at nakita ko nga silang magkasama doon sa may bench. Nakasandal si Iris sa shoulder ni Xavier. Magkaholding hands pa sila. Shit. Ewan ko. Nung nakita ko silang ganun, parang nanghihina ako. Gusto kong umalis. Tumakbo papalayo. Pero, di ko magawa. Sobrang hinang hina ako sa mga nakita ko. 

"Xavier?" biglang nagsalita si Iris.

"Bakit?" 

"Xavier, mahal mo pa ba ako?" ewan ko. Pero sana, HINDI NA ang isagot niya. Pero, sadyang sumasalungat ang mundo sa akin.

"Mahal kita Iris."

Shit. Ang sakit nga naman talaga magassume o magexpect nuh? Ang sakit. Sobra. Then, ano pa yung 3 kiss?! Minanyak niya lang talaga ako nun?! Ewan! Pero, sa wakas. Nakatayo din ako. Kahit na uugod ugod ako dahil sa mga narinig ko. Tumakbo na ako papalayo.

Falling For You [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon