II - My Savior

67 0 0
                                    

"Nakakainis! Bakit pa kasi kay Pia pa siya nafall! Inis Inis Inis!" 

"Girl, Easy lang. Di tayo makakagraduate niyan kung patuloy mong sinisira yang project natin."

Hay. Eto kami ngayon. Sa bahay ko. Wala si Mama. Wala din yung mga kapatid ko. So, dito namin napili ni Odile na gumawa ng project namin sa Algebra. At halos mawasak ko na yung keyboard ko kakahampas. 

"So, girl. Paano ka na?" - Odile

"Wala. I can't move on.."

"Paano ka makakapgmove on kung siya pa din ang background mo sa desktop?"

Hay. Jusko. Nakita niya pala. Ang engot ko. Ts. Edi ibahin.

"Bespren, di ba, friends kayo dati ni Pia?"

"Bungangera."

"Dali na. Nagtatanong ako eh." Nagpout pa siya. Shit.

"Oo. Dati lang yun. Pero, nawalan kami ng communication biglaan. Umalis kasi siya ng ibang bansa noon. For, 1 year. Tapos, pagkabalik niya, nafall si Ace sa kanya. Kaya ayon, ang sakit lang. Bakit kasi ang ganda ganda ni Pia eh."

"Di hamak na mas maganda ka nuh."

"Talaga bespren? Alam mo, kahit bungangera ka, may nasasabi ka ding maganda."

"Tse. I mean, di hamak na mas maganda ako nuh."

"Wag mo na bawiin! Babawiin ko yang mga nilalamutak mo diyan eh!" kukunin ko na sana yung mga pagkain na nilalamutak ng baboy na toh.

"HEP HEP HEP! Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang pagkain ko!"

"PAGKAIN MO? EH PALAMUNIN KA NGA LANG DITO EH!"

"Kung makapagsalita! Sino bang umubos ng isang kaldero ng kanin namin last Sunday!"

Okay. Napatahimik ako dito ah.

"Geh lang Odile!"

"Katampo! Odile na lang ang tawag sa akin!"

"Tse. Tampo tampo. Para kang bata!"

"Bahala ka nga diyan! O siya. Aalis na ako. Pinapauwi na ako eh. Bye Bespren! Akin na tong ice cream ah! Bye!"

Ay lintek na! Kinuha yung ice cream?!

"GAGA KA TALAGA BESPREN! BASURA LANG INIWAN MO DITO!"

Ay. Wala na si Gaga. Inis. Naiwan na lang akong magisa dito. Hay. No choice. Magliligpit na lang ako ng mga kalat ni Baboy.

"Psh." Habang nagpupulot ako ng kalat, narinig ko ang pagbagsak ng kaldero sa kusina namin.

"O-Odile?"

Walang sumagot.

"HOY BABOY KONG BESPREN! NILAMUTAK MO NA NGA YUNG ICE CREAM KO, PATI KUSINA NAMIN, TITIRAHIN MO PA! MAAWA KA NAMAN SA AMIN! WALA NA KAMING KAKAININ ARAW ARAW!"

Wala nanamang sumagot. Doon na ako simulang kabahan. Wala naman si Mama at Papa. Wala naman yung mga kapatid ko. Sino pa ba nandito? Hala. May multo? Hala. Hoy Author! HUMOR/ROMANCE ito! Hindi toh Horror! Nakakainis ah.

"Sinong nandiyan?" agad kong tinaas yung walis. Ready to attack.

"Miss. Wag kang gagalaw." O_O

Falling For You [ON HOLD]Where stories live. Discover now