<<Xavier's PoV>>
"UMALIS KA NA DITO! THANK YOU AT PINAGTANGGOL MO AKO!" sabay balibag niya ngpinto.
Wow. Hanep ah. After saving her life, ganon lang? Ts. What the fuck. Pero, Naintindihan ko naman. Dumating ba naman yung Kuya niyang, sobrang galit at alala. Naabutan pa kaming ganon ang posisyon. Buti, habang padaan ako, narinig ko siyang humihingi ng saklolo. Kung hindi, hindi na siya virgin ngayon. :P Hahaha. Kidding. Haist.
Hi. Ako nga pala si Gilbert Xavier Mendoza. Fourth Year. Gusto kong itawag sa akin ay Xavier. Sa gwapo kong ito, GILBERT? Naman. Popular ako sa school namin. Pero, hindi ako gangster o cassanova. Simple guy lang ako. Pero, pamatay ang dating. Sa looks ko, Oo. Parang siga. Pero ang totoo? I'm a funny at may pusong mamon. Minsan, mayabang, masungit at suplado ako.
(A/N: Xavier's picture sa right side! :) >>)
Eto ako ngayon. Naglalakad pauwi. Nakakainis naman kasi yung Ella na yun eh. Haist! Paano ko siya nakilala? Kilala ko na siya since pumasok siya sa St. Louis. Nakilala ko din siya nang dahil sa mokong kong bestfriend na si Ace. Naging sila kasi. Pero, di kami naging close ni Ella nun. Patay na patay kasi siya kay Ace eh. Eh , gago naman tong Ace na ito. Bumalik yung friend ni Ella na si Pia. At ayon, nafall si Ace kay Pia. Sobrang Ganda kasi. Perfect na eh. Matangkad, maputi. Pero, para sa akin, in my own opinion, mas maganda pa din si Ella.
SHIT. BURA BURA BURA.
Siya na nga ang dahilan kung bakit ako napahamak!
SHIT TALAGA YUNG NANGYARE KANINA. Pero, Alam kong mali si Ace na, agad nakipagbreak kay Ella. Masakit kaya yun.
Habang naglalakad ako pauwi, may nakasalubong akong matandang babae. Si Aling Veronica. For short, Aling Nica. Close kami nito. Siya lang nakakaintindi sa akin pag may problema at pinagdadaanan ako. Minsan na niya akong tinulungan. Ulila na siya. Gusto ko sana siyang ampunin kaya lang, ayaw. Gusto niya pa din sa lumang bahay nila. Kasi, andun daw lahat ng memories ng kanyang asawa. Nakakaawa.. Naglayas pa yung kaisaisa niyang anak na babae. Alam mo yun? Gaga din yung anak niya eh. Iniwan talaga siyang magisa. So ngayon, ako nagaalaga at nagbabantay sa kanya.
"Aling Nica!" sigaw ko.
"O, Xavier! Ikaw pala hijo!"
"Gabi na po ah. Bakit pa po kayo nandito?"
"Ah. Nagpapahangin lang ako. Nakakainip kasi sa bahay eh. Walang kasama. Eh, ikaw, gabi na ah. Bakit ka pa nandito? Tsaka. JUSKO! Anong nangyare sa tagiliran mo aber?!"
"Ah. Eto po? Mahabang Kwento. Pero, Okay lang naman po ako."
"Ah. Ganoon ba? Magiingat ka sa susunod hijo ah. Alam mo namang, ikaw na lang ang nagmamahal sa akin."
"Sus. Syempre po, la!" sabay yakap kay Aling Nica. Nako. Kung ganito lang yung mama ko. :(
"Nga pala. Kamusta na kayo ng mama mo?" nabasa niya ba yung iniisip ko? -.-"
"Ah. Ganon pa din po.. Mas proud pa din siya kay Ate. Di niya ako pinapansin. Parehas sila ni Dad. Lagi na lang akong palpak na maging proud sila sa akin! Damn it!" sabay hagis ng bato.
"Dahil pa din ba kay Iris?"
Natigilan ako nun. Natulala ako. Iris. Si Iris. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinakamamahal ko na nawala bigla. Ayaw nina mom and dad kay Iris. Ewan ko kung bakit. Ayaw naman kasi nila magbigay ng Reasons. Puro, "BASTA. AYAW NAMIN SA KANYA." Fuck. Kailan pa ba sila magiging proud sa akin?! Magiging proud lang daw sila sa akin pag nakahanap daw talaga ako ng isang babaeng bagay para sa akin. And you know what? Si Iris lang ang bagay sa akin! At wala nang iba!
"Opo. Dahil pa din sa kanya. And you know what, La? Gusto nilang makahanap ako ng ibang babae bukod kay Iris!"
"Eh, asan na nga ba siya?"
"Haist. Ewan ko po. Di ko po alam. Nawala po siya biglaan after nung birthday ko noon. Nawala nang parang bula. I tried to call her. Text her. Pero, wala po talaga.. Pero, dahil nawala lang siya bigla, di pa kami officially break. Wala naman po kasi siyang sinabing, break na kami. Or, anything."
"Pero, Hijo, paano pag may iba na siyang nakita?"
Sa tanong na yun, ewan ko kung anong nangyayare sa akin. "Wala po. Alam kong hindi siya makakita ng iba. Alam kong, hindi niya ako ipagpapalit. Alam ko po yun."
"Sigurado ka ba Hijo? Mahirap ang Long Distance Relationship sa panahon ngayon hijo. Malay mo, masaya na siya doon. Tapos, paano ka? Hinihintay siya? Paano na yung mga, pagkakataon na dumadating sa iyo? Sinasayang mo lang. Alam mo, mas maganda kung may gagawin ka eh."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Aling Nica. "Haist. Ano po yun?"
"Learn to Let Go. Alam mo hijo, kung patuloy mo lang siyang inaantay at di mo alam na masaya na pala siya doon, masasaktan ka lang. Kaya, hangga't maaga. Learn to Let Go. Malay mo, may iba pang babaeng dadating diyaan. Kasi, kung si Iris talaga, di ka niya iiwan ng basta basta."
Di ko maipaliwanag kung ano nang nararamdaman ko. Naguguluhan na nasasaktan na nalulungkot na nagagalit. "Siguro nga po, Tama kayo.."
"Talagang Tama ako. O siya, mauna na ako. At ako'y inatake na ng antok. Inaantay ko pa namang lumabas sa twitcam sina Harry Styles at Liam Payne." agad siyang umalis at nagmamadali. "Ingat hijo ah!" Habol niya.
O_O Si Aling Nica, DIRECTIONER?! "A-a-hh. Sige po La."
Naiwan akong tulala.
"LEARN TO LET GO."
Siguro, di ko pa magagawang makalimot kay Iris ngayon.. Siya pa din ang mahal ko hanggang ngayon eh. Pwera na lang, Kung mafall ako sa iba.
YOU ARE READING
Falling For You [ON HOLD]
HumorMeet Ella. Isang normal teenager na patay na patay sa isang lalaking, niloko lang siya. Pero, paano pag pumasok sa buhay niya ang napakagwapong si Xavier? Mafafall ba siya kahit na, BAWAL?
![Falling For You [ON HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/2445311-64-k525220.jpg)