Chapter 4

27 1 0
                                    

TREYTON

KINABUKASAN

Badtrip akong pumasok sa school kinaumagahan. Naaalala ko kasi ang nangyari kagabi pagkatapos ng dinner namin. Pagkarating ko sa room pabagsak akong naupo sa upuan.

"Oy pre! Anyare?" Pag-uusisa ni Kendric ng mapansin niyang badtrip ako.

"Shit happened!" Galit kong sambit

Tangina talaga! Nanggigigil ako pag naaalala ko na gusto ng tatay namin na kilalanin naming kapatid ang bastardo niya!

"What kind of shit?" Tanong ni Adryan

"Di mo naman ata sinapak ang tatay mo sa harap ng nanay mo diba?" Pagtatanong ni Calen.

Well alam nila kung bakit ako galit sa tatay ko. Naikwento ko kasi sa kanila nung minsang nag-inuman kami.

"Sana nga sinapak ko na siya eh! Kung di lang ako napigilan nila Kuya Timothy" nanggigigil kong sambit

"Bakit ano ba talaga ang nangyari?"

"Tangina! Gusto niyang kilalanin namin yung bastardo niya?! Gago ba siya!?" Galit kong sambit halos manggigil talaga ako pag naaalala ko yung sinabi niya.

Hinding hindi namin kikilalanin yung anak niya sa ibang babae! At lalong ayaw naming masaktan si Mommy! Because I, We know for a fact na hindi maganda ang kalalabasan nun. Mom thinks that my dad isn't someone who will impregnated another woman because she knew that dad loves her so much and I know na pag nalaman ni Mommy ang tinatagong lihim ni dad hindi niya yun kakayanin. That's why we are doing our best to hide it from her.

"Pero pare paalala lang kapatid niyo parin yung tinatawag niyong bastardo  ng daddy niyo. Alam niyong magkakapatid na kahit mismo si Trojan hindi gugustuhing maging bastardo malas lang niya siya yung kinalabasan ng pagtataksil ng tatay niyo" mahabang paliwanag ni Adryan.

I know he got a point. Kahit ako alam ko sa sarili ko na walang kasalanan si Trojan dahil kahit siya ay naiipit sa sitwasyon na ito. Alam naming magkakapatid na hindi kasalanan ni Trojan na siya ang nabuo dahil sa pagtataksil ni dad. Pero hindi namin mapigilang magalit ng husto dahil buhay ni Mommy ang nakasalalay dito. Buhay ng pinakamamahal na babae sa buhay namin, dahil alam naming hindi kakayanin ni Mommy tanggapin ito and her heart might not accept it.

"I know, We know about that kung tutuusin kasalanan ito ni Dad pati ng babae niya at walang kasalanan si Trojan. Pero si Mommy ang nakasalalay dito" I remember the smile on my mom's face and I don't have the courage to wipe it off her face.

She's our light, our everything and without her we are nothing. Sino ba namang gugustuhing anak ang makitang nasasaktan ang kanyang ina? Wala diba? Pwera nalang sa mga walang pusong anak diyan.

"Think clearly and wisely gawin niyo yung tama. Wag niyo ng patagalin pa lahat at wag niyong hintayin na si Tita Tamara pa ang makatuklas ng lihim niyo" nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi ni Calen.

Paano nga kaya pag nalaman ni Mommy? Baka ngayon palang nagtataka na siya kung bakit may matinding tensyon ang namamagitan sa amin ni daddy. Hindi naman tanga si Mommy para hindi niya mapansin na may nagbago. Ngayon palang humihiling na ako sa panginoon na sana huwag niyang hayaan na matuklasan ni mommy ang lihim ni dad.

Naputol ang pag-uusap naming magkakaibigan ng pumasok si Prof. Marlyn at hindi rin nagtagal ay nagsimula na siyang magdiscuss ng bagong topic. Pero ang isip ko ay wala sa diskusyon kung hindi ay nasa pag-aalala kay mommy.

Ni hindi ko nga namalayan na lunch break na eh kung hindi lang ako niyaya ng mga kaibigan ko.

"Pre tara lunch na tayo" narinig kong sabi ni Kendric

Weak HeartWhere stories live. Discover now