Chapter 2

25 0 0
                                    


TREYTON

KINABUKASAN

Alas cinco palang ng umaga ay gising na ako kahit na alas nueve pa ang klase

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at dumiretso na sa banyo para maghilamos pagkatapos kong maghilamos ay nagpalit ako ng damit na pang gym pagkapalit ko ng damit ay bumaba na ako sa gym na pagmamay-ari ng condominium kung saan ako kasalukuyang nakatira

I started my morning routine and yun ang pagpapapawis for 30 minutes kasi dapat hindi lang ang mental health ko ang stable dapat pati na rin ang physical health ko. Alam naman nating hindi madali ang pagiging medical student dahil sa pressure na naibibigay nito. Being a med student madami tayong mga bagay na hindi na nagagawa kasi nga we need to use our time very well and very wise.

Pagkatapos ko mag gym ay bumalik na ako sa unit ko para maligo mga bandang 6:30 ay natapos na ako at nagbihis na ng simpleng asul na polo at itim na slacks na pinaresan ko ng itim na leather shoes. Inayos ko naman ang buhok ko para dagdag pampagwapo hahaha

Nung maayos ko na ang sarili ko ay dumiretso na ako sa kusina para magluto ng agahan. Nagluto lang ako ng tocino at ginawang fried rice yung kanin na natira kagabi kasi sayang naman kung mapanis lang dami pa namang mga tao ang nagugutom. Well I'm not saying na pag kinain ko ang pagkain na meron ako ay mabubusog ang mga taong gutom its just a way to appreciate the things that we have not like others na napagkaitan na magkaroon ng buhay na meron ako, tayo.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok ako sa study room ko para makapagbasa muna ako ng mga lecture na ituro sa amin mahirap na baka magpa surprise quiz ang prof tapos wala akong masagot bawas pogi points yun. Well kidding aside ganun naman kasi dapat ang ginagawa ng mga estudyante dapat bago pumasok sa klase dapat i-browse muna nila ang mga lectures na itinuro sa kanila para pagpasok sa school handa sila. Pwede ding mag-advance reading sila para dagdag kaalaman kaagad.

8:14 am nung umalis ako ng condo para pumunta na sa school para hindi ako ma late sa first subject ko. Pagdating sa school ay naghanap ako ng lugar kung saan ko pwedeng i-park ang mustang ng makahanap ay madali kong pinark yung sasakyan ko

"Treyton babyyy!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at yun pala ay ang walang hiyang si adryan na naglalakad na papunta sa kinaroroonan ko. Kasunod niya naman sila kendric at calen

"Aga mo ngayon ah!" Sabay mahinang suntok ang iginawad sa akin ni kendric

"Tado! Lagi naman akong maaga"

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko

"Oh! Tara na 8:30 na punta na tayo sa classroom"

Sumunod na kami kay calen ng biglang humarang sa daraanan namin si cailleine

"Hoy calen! Hello mga pangit!" Sabay ngiti nito ng nakakaloko sa amin

"Anong pangit ka diyan sa gwapo naming to sasabihan mo ng pangit? Pre kailangan mo ng magpa-check up sa opthalmologist" iiling iling na sambit ni adryan

"Hmp! I dont need it na because my eyes is still malinaw not like yours adryan pangit!" Sabay ingos nito kay adryan

"Hoy! Calen ito baunan mo pinapaabot ni mommy!" Sabay abot nito ng pink lunchbox

Napatawa naman ako dahil sa kulay ng lunchbox na inabot ni cailleine

"Pre! Baka akala ng nanay mo babae ka ganda ng lunchbox mo oh color pink tas may heart heart pa na design HAHAHAHA" natatawa kong sabi

Napatawa din si kendric at adryan dahil sa lunchbox ni calen

"Ayaw ko! Bakit kasi ganyan ang kulay ng lunchbox na yan baka ikaw ang naglagay niyan diyan!"

Weak HeartWhere stories live. Discover now