"Narinig ko nga na parati kayong nag-aaway. Nagsusumbong pa siya kay Mommy at Lola kaya buong pamilya, nadadamay sa problema ninyong dalawa."

Umismid ako. "Para kasing bata 'yang pinsan mo. Parati akong inaaway at sinisigawan! Nakakarindi. Alam mo bang nagwala 'yan sa opisina ko at pinaparatangan akong nambababae? She's crazy! Ni hindi ko nga alam kung paano kontakin si Aria! Tingin mo ba may gana pa akong humarap sa babae?!" Bumuntong hininga ako. "Tapos sumasabay pa iyang pamilya mo. Mas lalo pang pinagtutulakan sa'kin si Samantha. Lalo na 'yang Mommy at Lola mo! Ano pa bang gusto nila sa'kin?"

"They were just concern to—speaking of...." Ngumiwi siya at tumingin sa likod ko. "Samantha's here." Aniya.

Kumunot lang ang noo ko at umiling. Hanggang dito ba naman nahahanap ako? Tsk. Hindi ko na nilingon ang pinsan niya dahil alam kong dito rin 'yan pupunta.

"What are you doing here, Sam?" Kaswal na tanong ni Zoel sa pinsan.

Uminom ulit ako sa baso ko at humingi ng isa pa sa bartender.

"Pinupuntahan ang asawa ko na mukhang mas nag-eenjoy dito kesa ang makasama ako." Sarkastikong sagot niya.

Nailing ako. "Great!" Bulalas ko.

Ngumisi si Zoel. "Bakit hindi nalang kayo umuwi at doon mag-away, Sam?" I glared at him. Asshole!

"Great Idea." Not at all. Tsk. "Umuwi na tayo, Skyrile. I'm done with all your bullsht excuses!" Singal niya.

Tiim bagang ininom ko muna ang alak sa baso ko bago tumayo. Nagbaba ako ng cash sa harap ng bartender bago nagmartsa palabas. Otomatiko namang sumunod ang galit na galit na si Sam sa'kin.

"Skyrile, mag-usap tayo." Rinig kong habol niya.

Hindi ko siya pinansin. Nang makalabas na ako ng bar ay mabilis ko namang nilapitan ang kotse ko na  naka-park lamang sa malapit.

"Skyrile!" Sigaw niya 'tsaka humarang sa harap ko. Dinuro niya ako. "Akala mo siguro kapag binalewala mo ako makakalimutan ko lahat? Akala mo siguro magiging madali nalang ang lahat, ano?! Dream on, Skyrile! Kahit anong mangyari hindi kita papakawaan!"

Malamig ko siyang nilingon. "See you in court, then." Ngisi ko bago ko siya nilampasan.

"Gago ka talaga, Skyrile!" Tili niya.

Umiling na lamang ako. "Go home, Samantha. I'm tired of your desperate moves."

"Desperate? Sino ba sa'tin ang umaasang babalik pa ang isang taong matagal nang patay?! She's dead, Skyrile! Kailan mo ba tatanggapin na wala na siya? Huh?!" Sigaw niya.

"Paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan! Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ninyo! At wala ka ring pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko ngayon!" Siguro noong una naloloko pa nila ako but now, I know better.

"Bakit hindi mo siya mabitawan, Skyrile? Ako naman ang nandito para sa'yo...."  hikbi niya.

"I love her, Samantha. Iyan lang ang tanging dahilan ko. And you are not my Aria."

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now