4 -"ANG BATA SA KISAME"

98 2 0
                                    

"ANG BATA SA KISAME"

Madalas akong maglaro sa loob ng bahay namin noong bata pa ako, dahil nasa commercial area ang bahay namin hindi ako pinapayagang lumabas ng parents ko dahil nga sa napaka delikado para sa 6 years old ang maglaro sa kalsada, which i strongly agree dahil sa ayaw ko rin talaga lumabas nabubully lang ako everytime na naglalaro ako sa labas dahil nga sa payat ako at kakaiba ang kulay ng mata ko.

Ginagawa nila itong katatawanan kesyo ting ting daw ako o di naman kaya ay asukal daw ang mata ko brown ang kulay ng mata ko normal naman pero pag tinatamaan ito ng liwanag tsaka lumilitaw ang kakaibang matingkad na pagka brown nito. Honestly, naiinis ako sa mata ko. Kaya nanatili nalang ako sa loob ng bahay.

Si ate Via lang ang kasama ko sa bahay. Pumapasok sa trabaho ang papa ko at nagbabantay naman sa shop ang mama ko kaya ang pinsan ko lang na si ate via ang kasama ko. Mabait sya tulad ko kakaiba din ang mata nya.

Isang araw habang naglalaro ako mag isa at nag rereview naman si ate via sa sala naisipan ko syang biruin na kunwari ay lalabas ako pero magtatago lang ako sa garahe ng bahay at sisilipin ko lang sya sa bintana. Titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon nya.

Mga 15 minutes na siguro akong nakatago ng tumayo si ate. Kitang kita ko na pumunta sya sa kusina mula sa kinaruruonan ko, hindi ko na kita ang kusina dahil may divider na nakatayo dito. Mula sa kusina narinig ko ang boses ni ate na tinawag ang pangalan ko. Natatawa na ako dahil wala naman ako sa loob ng bahay, dumaan muli sya sa sala at tsaka lumiko sa kwarto ko binuksan nya ang pinto at pumasok sa loob, laking gulat ko ng paglabas nya sa kwarto ko ay may nakasunod sa kanyang batang lalake na hawak hawak ang laruang kotse ko umupo muli si ate upang mag review at ang bata naman ay tumakbo sa kusina.

Pumasok ako upang tingnan kung sino ang batang ito ngunit pag bukas ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko habang naka yuko si ate nagbabasa ng kanyang libro ay may batang lalake na nakabaliktad sa kisame.

Animoy nakatingin ito kay ate na may masamang titig, napasigaw ako sa takot at tumakbo si ate palapit sa akin tinatanong nito kung anong nangyari ngunit hindi ako makasagot sa sobrang takot.

Pag uwi ni mama ng tanghali ay sinabi ko sa kanya ito at tinawanan lamang ako pero hindi ako nagbibiro totoo ang nakita ko.

10 years na ang nakakalipas ay malinaw na malinaw padin sa ala-ala ko ang pangyayari madalas nga ay nakakarinig ako ng mga yabag ng paa sa kisame na para bang may naglalakad dito. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil ayaw kong mas lumala ito, pero mali ako.

October 26, 2018, ako lang mag isa sa bahay. Kachat ko ang mga kaklase ko, nagkukulitan kame at dahil madaling araw na medyo inaantok nadin ako pero dahil ang saya ng usapan lumabas ako sa kwarto upang magtimpla ng kape at kumuha ng makakain sa ref. Hindi ko isinara ang kwarto ko.

Matapos ko matimpla ang kape ay kumuha ako ng slice ng cake sa ref at umupo sa sala, bukas lang lagi ang ilaw sa sala dahil ayaw ko itong pinapatay pag ako lang mag isa sa bahay.

Nang maubos ko ang kape ay tila ba may humawak sa aking mga paa at agad naman akong napatayo dahil dito. Nang icheck ko ang ilalim ng upuan ay wala namang kahit ano dito, ibinulsa ko ang phone ko dinampot ang tasa at platito. Naglakad ako patungo sa kusina pag daan sa kwarto ko ay may napansin akong anino na nakatayo sa higaan ko hindi ko ito pinansin at iniligay ko ang tasa at platito sa lababo, kinuha ko ang phone sa bulsa ko at chineck ang gc namin ng mga classmates ko nag goodnight na silang lahat, malamang tulog na sila.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko na nakasara ito na labis na nakapagtataka, binuksan ko ang kwarto ko wala namang katakataka dito.

Siguro ay hinangin lamang dahil bukas ang bintana sa kwarto, isinara ko ang pintuan at tsaka isinara ang bintana makikinig sana ako ng music kaso lowbat na ang phone ko kaya kinuha ko ang charger sa drawer at ichinarge ang phone ko, dumapa ako sa kama at iniisip kong mabuti kung ano ang nakita kong anino sa kwarto siguro galing lang sa labas yun. Anino lang ng dumadaan sa kalsada, pero madaling araw na sinong dadaan sa kalsada ng naglalakad? Tanong ko sa sarili.

Lumalalim ng lumalalim ang pag iisip ko ng kusang tumihaya ang aking katawan nakapikit ako dahil sa lalim ng pag iisip ko pagdilat ng mata ko ay nagulat ako sa nakita ko.

Isang bata ang nasa kisame naka baliktad ito at nakatingin saakin ng masama. Napatayo ako sa takot at tumakbo palabas ng kwarto ngunit hindi bumubukas ang pinto.

Paglingon ko ay gumagapang na ang bata sa kisame ng marahan patungo sa pader, mula sa pader ay gumapang ito pababa sa sahig, pagtapak nya naman sa sahig ay tumayo ito.

Lumingon saakin at tsaka naglakad ng mabilis, dahil sa takot pilit ko pa pinipihit ng pinihit ang door knob. Nabuksan ko ang pinto dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay paglingon ko ay wala na ang bata.

Ngunit naririnig ko ang mga yabag sa loob ng bahay na para bang may napaka laking nilalang ang naglalakad dito sa takot ko ay hindi na ako pumasok sa bahay, sa garahe na ako natulog.

Umaga na ng dumating sila papa at ginising nila agad ako upang tanungin kung bakit dito ako sa labas natulog, simple lang ang naging sagot ko, natatakot ako sa loob ng bahay may multo dito maniwala kayo.

Natawa si mama at sinabing lasing ata tong anak mo na umuwi kaya dito na sa labas nakatulog, hindi na ako komontra dahil hindi nga naman kapani-paniwala ang mga sasabihin ko kaya tumahimik nalang ako.

At nitong 2019, nalaman na dati palang nabaliw ang mama ko bago ako ipinanganak. At si ate Via ang nagsabi sakin na may napatay daw si mama na bata na dating kapitbahay namin. Masyado syang na kyutan o naaliw sa bata at naging obsessed sya rito at hindi niya namanalayan na unti-unti niya ng napatay ang bata.

Sa tingin niyo, ang kaluluwa kaya ng batang yun ang gumgambala sakin? O meron lang talagang mga multo sa bawat sulok ng mundo? Tulad nung nakatingin sayo sa bandang bintana niyo.


-THE GHOST TELLER-Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ