CHAPTER EIGHT

0 0 0
                                    

ONCE UPON A TIME
by Queyzi_irene

CHAPTER EIGHT

Someone's Point of view

"The prophecy changed."

"Paano nangyari iyon? Ano nang ipinagbago nito?"

"The time limit."

Tumawa ako.

"Mas napaaga ba? that's good then."

"No, Nadagdagan pa ito at mukhang may kadugtong pa sa mga pagbabago na ito."

"Paano nangyari ito?"

"Hindi kaya buhay pa si layla?"

"No, that's imposibble. Nakita siya ng isa sa mga alagad kong namatay, even you nakita mo rin sya dba."

" Pero paano natin mae-explain ang nangyari?"

"Paano? it's a curse. Imposibleng magulo lang ito ng kung sino lang."

"Hindi ko alam, basta ang nasa isip ko may susunod pa ito."

Victoria's Point of view

"Last na lang, kaya pa?"tanong naman ni mister sa akin. Tumango nalang ako kahit na alam ko sa sarili kong kanina pa ako nahihirapan at iniinda ang sakit.

Tinatanggal kasi ni mister ang mga bubog na bumaon sa mga paa ko at ginagamot ito.
Pumikit naman ako at ininda ang sakit nang tanggalin niya ang huling bubog sa paa ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya. Dito niya kasi ako dinala pagkatapos ng nangyari kanina. Mayroon daw kasi siyang first aid kits dahil madalas niyang gamutin sarili niya dahil lagi siyang nasusugatan sa pagha-hunt ng mga mababangis na hayop.

Ang kwarto niya ay times five ng kwarto ko. Akala mo ay limang tao o higit pa ang naninirahan dito sa sobrang laki nito. Malinis at wala kang makikitang bahid ng dumi sa kwarto niya, mukhang clean freak siya. May king size bed siya sa gitna na may study table sa gilid, walk in closet at malaking veranda sa labas. May malaki din siyang bath tub na aakalain mong mini swimming pool na dahil sa laki nito nakita ko kasi kanina dahil dinala niya ako sa CR ng kwarto niya dahil hinugasan niya muna yung paa ko doon bago gamutin dahil puno ito ng dugo.

"Nagkakaroon talaga dito madalas ng brown-out dito. Lagi ka bang ganyang kapag nadidiliman ka sa paligid?"

Umiling naman ako.

"Kapag wala lang akong makita, pure darkness. Kapag may ilaw naman ako nakita kahit maliit lang ok lang ako. Tsaka salamat sayo, kahit andun ka."ani ko naman ako umiwas ng tingin nang maalala yung ginawa niya kanina.
Although, hindi considered as halik yun still, hindi pa rin mawala sa isipan ko dahil siya ang unang lalaking nakalapit at nakagawa nun sa akin.

I feel butterflies in my stomach.

Then, naalala ko kung bakit nangyari ang lahat.

"May ginawa ba akong mali o hinfi mo nagustuhan na ginawa ko?"tanong ko naman sa kanya na ikinatawa ko rin. Note the sarcasm. Simula't sapul nga pala inis na sa akin ang isang 'to. Bakit ko pa tinanong tss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now