Ikalabing-Apat na Kabanata

9 1 0
                                    

𝐍𝐈𝐆𝐄𝐋'𝐒 𝐏𝐎𝐕

Pagdating ko sa may tapat ng aming bahay. Pasadong alas otso ng gabi.Tinignan ko muna saglit itong bahay dahil sobra ko talagang namiss ang lugar kong ito. Ang tagal na rin kase matapos akong makarating dito. Maya-maya pa mga ilang segundo hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha ko pahalik sa pisngi ko.

"Inay nandito na ako!" turan ko ng mahina sabay punas ko ng luha. Bago ako pumasok napabuntong hininga muna ako saglit saka ko binuksan na yung pinto.

Pagpasok ko bumungad si Inay na nakaupo sa may upuan malapit sa mesa.

"Nigel anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.

Binilisan ko yung hakbang ko saka ko sya niyakap ng mahigpit. Muling bumuhos ang luha ko habang nakayakap ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagpatak nito dahil siguro sa pagka miss ko sa kanila at sa nalaman ko kanina.

"Anong nangyari? May problema ka ba?" tanong nya sakin sabay kuha nya ng bag ko para ilagay sa kwarto namin. "Anak, sabihin mo na sakin. Ano ba yan? 'Wag mong kimkimin!" anya. Napahikbi ako sa sakit ng naramdaman  ko habang patuloy parin sa pagpatak ang luha ko.

"Nay, miss ko lang po kayo!" pagsisinungaling ko sa kanya. Pero kilala ako ni Inay at panigurado hindi ito maniniwala sa sinasabi ko.

"Anak, upo nga tayo muna. Pag-usapan natin yan" turan nya sakin. Sabay kaming naupo sa may upuan kasabay ng paghawak nya sa kanan kong kamay. "Alam ko na may problema ka. Sabihin mo na sakin. Anak kita kaya alam ko kung may problema ka o wala." anya pa.

Sa mga sandaling ito. Tahimik lang akong nakatitig sa kwarto na kinaroroonan ng mga kapatid ko habang iniisip yung mga nalaman ko tungkol sa tatay ko. Gusto kong mabuo yung pamilya ko pero bakit ganito yung nararamdaman ko. Bakit parang ansakit? Pakiramdam ko parang may pumipigil sakin para makipag-ayos ako sa magulang ko.

"Namiss mo sila?" turan ni Inay sakin matapos nyang mapansin yung pagtingin ko rito. Tumango lang ako habang nakangiti ng mapait.
"Alam mo kung anuman yang problema mo. Malulunasan mo rin yan." ani ni inay.

Napatingin ako sa mukha nya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin o ilihim muna sa kanya na nagkita na kami ni itay. Nagtatalo isip ko ngayon kung susundin ko ba yung isip ko na sabi huwag ko muna sabihin at baka magkagulo lang kami o ang puso ko na nagsasabi na sabihin ko na para muli na kaming mabuong pamilya.

"Gusto mo pahinga ka muna?" tanong ni Inay sakin. Ngumiti lang ako ng mapait saka ko hinubad yung suot kong sapatos para umakyat na ng kwarto.

"Nay, hindi na pala ako babalik sa trabaho ko. Mag-aaral na lang po ako at magpopokus sa mga kapatid ko." turan ko sabay akyat ko sa hagdan naming kahoy na may apat na hakbang  papuntang kwarto.

"Okay lang yan. Ang mahalaga okay ka at safe!" sagot ni inay sakin.

Tok! Tok! Tok!

"Nigel, may kasama ka ba?" tanong ni inay sakin kaya napabalik ako sa kinaroroonan ni inay para tingnan yung tinutukoy nya. Napakunot ako ng noo kasabay ng pagbaba ko ng hagdan.

"Nay, wala po!" sagot ko.

Pagbukas ni Inay ng pinto. Napansin kong tila nagulat ito sa kanyang nakita dahil sa kanyang ekspresyon ng muka. Nilapitan ko si inay para tignan ko rin kung sino iyon kaya sa pagtingin ko ay nakita ko si Mr. Vergara na nasa labas at nakatingin sa amin.

"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko ng pabalang rito.
Pilit kong sinasara yung pinto subalit kinokontra ito ni Mr. Vergara.

"Anak, please let me explain! Ipapaliwanag ko lahat. Pagbigyan mo lang ako na magpaliwanag!" turan nya sakin. Hindi makapagsalita si inay sa mga oras na ito. Hindi makapagsabi ng kung ano-ano subalit may luha nang pumapatak sa mata nito.

Ang Natatagong LIHIM ni Juaquin Vergara  (Completed)Where stories live. Discover now