Ikalabing-Tatlong Kabanata

16 1 0
                                    

𝐍𝐈𝐆𝐄𝐋'𝐒 𝐏𝐎𝐕

Alas otso ng umaga ng muli akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Nadatnan ko sa mga oras na'to na wala ang mga bantay ko sa kwarto ko. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas.

Tinanggal ko sa katawan ko yung dextrose na nakakabit sakin kahit masakit ko itong hinuhugot. Tumagas ang dugo mula sa kinaroroonan nito habang ako naman ay napapangiwe sa sakit.

Lumakad ako patungo sa may pinto. Paghawak ko ng doorknob ay saglit akong sumilip para tignan kung nasa labas sila nang mapansin ko ay wala ay agad akong lumabas ng pasimple na tila isang visitor lang na bumisita sa isang kwarto. Habang naglalakad ako sa hallway pasimple akong lumilingap-lingap sa paligid ko na baka may makakilala sakin at maudlot pa ang pagtakas ko.

Sa pagbaybay ko sa labasan ay mayroong isang nurse ang nakapansin sakin. Kaya napatakbo ako palabas ng pinto. Pangiwe-ngiwe akong tumakbo dahil ramdam ko yung sakit na nagmula sa dextrose kong tinanggal.

Sinubukan nila akong habulin subalit hindi nila ako naabutan. Pagdating ko sa sakayan ng jeep ay agad akong sumakay para umuwe na sa bahay ko. Subalit nag-iba ang takbo ng isip ko dahil naiwan ko yung mga gamit ko sa dorm kaya muli akong bumaba ng jeep para sumakay sa tricycle.

Pagsakay ko sa tricycle may isang lalaki ang nakapansin sa kamay kong may bahid ng mga dugo.

"Anong nangyari sa kamay?" tanong nya sakin habang nakatuon yung tingin nya sa may kamay ko.

"Sumabit lang sa alambre" nakangiwe kong sagot. Lumingap-lingap ako sa paligid ko para tingnan kung may nakasunod sakin. "Kuya hatid nyo po ako sa address na 'to" turan ko sa kanya tapos inabot ko yung maliit na papel na ibinigay sakin ng landlady para mabilis ko daw mapuntahan ang dormitoryo.

Makalipas ang ilang sandali ay narating ko na ang dorm. Pagkatapos kong magbayad ay agad akong tumungo sa kwarto ko para kuhanin na yung mga gamit ko. Pagdating kong kwarto ko napansin kong nakabukas yung pinto nito kaya dali-dali ko itong pinasok.

Pagpasok ko nakita ko si Wades na kumukuha ng mga damit ko sa may aparador para dalhin sa ospital.

"Anong ginagawa mo dito? Di 'ba dapat nasa ospital ka?" gulat nyang tanong sakin matapos nya akong makita na nakatayo sa may pinto.

Hindi ko pinansin ang turan nya sakin. Nagtungo ako sa kinaroroonan nya at kinuha ko yung bag ko para doon ko ilagay ang mga damit ko. Hinablot ko sa pagkakahawak nya ang damit ko sabay pasok sa loob ng bag.

"Nigel please, kung anuman yang binabalak mo huwag mo ng ituloy!" piit ni Nigel sakin. Inagaw nya mula sa pagkakahawak ko yung bag at inilayo sakin.

"Wala kayong pakialam sa gagawin ko. Tutal kaano-ano ko ba kayo?" turan ko sa kanya. Pinilit kong abutin ang bag ko subalit nilayo nya ito kaya dala ng galit ko ay napilitan akong suntukin sya sa mukha. (Bugsh!)

Napabalikwas ang ulo nito at pagkatapos ay namula ang pisngi nito kasabay ng pagdaloy ng dugo mula sa gilid ng labi nito.

Napatulala lang ako sa kanya habang sya naman ay pinupunasan ang kanyang dugo na tumutulo. Napailing sya sakin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa mata. "Kung yan ang ikaliligaya mo. Suntukin mo ulit ako!" usal nya sakin na mahinahon .

"Wades ibigay mo na yung bag ko" utos ko sa kanya. Subalit hindi nya ito ginawa. Lumapit sya sakin at kinuha yung kamao ko para kontrolin at ipinagsusuntok sa mukha nya. "Sige! Suntukin mo pa ako! Tutal kasalanan ko naman! Sige! Kulang pa yan!" utos nya sakin ng pasigaw habang patuloy paring lumuluha ang mata nya.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng isang nagdodorm dito. Lumapit ito sa amin para awatin si Wades na hindi tumitigil kontrolin ang kamay ko sa kakasuntok sa kanya.

Ang Natatagong LIHIM ni Juaquin Vergara  (Completed)Where stories live. Discover now