Ikalabing-Isang Kabanata

12 1 0
                                    

𝐍𝐈𝐆𝐄𝐋'𝐒

Pagkaraan ng dalawang oras naming pagpapakasaya sa bar na yun. Umuwe kaming sabay kasama ang kanyang kotse. Habang nasa hi-way kami ni Wades napansin kong tulala ito na tila may dala-dalang kung anong problema hindi ko alam kung ano yung iniisip nito ngayon.

Pakiramdam ko sa kanya may pinagdadaanan ito. Hinawakan ko yung kamay nya na nasa manubela. Napatingin sya sakin na tila yung mata nito ay gustong lumuha subalit pinipigilan lang.

"Wades, may problema ka? Share mo naman sakin. Makikinig ako." wika ko sa kanya. Napabuntong hininga sya habang nakataas yung dalawa nyang kilay.

"Sa katunayan may gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin e!" sagot nya sakin. Muling tinuo nito yung paningin nya sa may harapan kasabay ng muli nitong pagbuntong hininga.

"..hindi ko alam kung ano yung gumugulo sa isip mo. Pero, willing naman ako pakinggan yan. Malay mo matulungan kita." sabi ko pa sa kanya. Subalit umiling lang ito sakin at tila walang ganang makipag-usap sakin.

Nirerespeto ko sya kaya tinuon ko na lang yung paningin ko sa may bintana na nasa kanan ko. Habang nakatuon ako ng tingin dito. Narinig ko ang paghikbi ni Wades kaya muli akong napalingon sa kanya at muling tinuon ko ang aking paningin sa kanya.

"Boi, kung anuman yang problema mo. Ilabas mo willing talaga akong makinig sayo. Kung pribado man yan isecret natin. Kinakabahan ako sayo e!" turan ko sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko sa  oras na 'to. Gistuhin ko man syang kausapin may tila may pumipigil sa kanya na hindi ko maintindihan.

"Wala 'to!" usal nya sakin habang pinupunasan nya ng kanan nyang kamay ang mga bakas ng luha. "Nigel paabot nung tissue ko dyan sa may back seat" utos nya sakin kaya agad ko rin itong kinuha para ibigay sa kanya.

Pagka-abot ko kumuha sya ng dalawang pirasong tissue at ipinunas sa kanya.

Hindi ko alam kung may problema talaga sya o dala lang siguro ng alak. Hays!

"Ayaw mo talaga sabihin?" tanong ko ulit sa kanya subalit tinignan nya lang ako atsaka sya ngumiti na tila walang nangyari.

"Boi, next in a right time. Siguro hindi pa ito yung tamang oras para sabihin ko yun." sagot nya sakin.

Napatango-tango na lang ako sa harap nya habang ginugulo ko yung buhok nya. "Alam mo hindi ko alam kung anong nangyayari sayo" usal ko sa kanya habang nakangiti.

"Uyy! Huwag mo naman guluhin buhok ko!"inalis nya yung kamay ko sa ulo nya atsaka pinisil yung pisngi ko  gamit yung kanan nyang kamay. "Alam mo ang kyut, kyut mo!" wika nya sakin habang pinipisil nya parin ang pisngi ko.

"Boi tama na nga yan!" pagpapahinto ko. "..nga pala yung sa inyo ako matutulog" ani ko sa kanya. Napatango sya sakin ng tatlo saka ngumiti. "Oh, nginingiti-ngiti mo d'yan?" tanong ko sa kanya.

"Boi, wala!" ang tangi nyang naisagot sakin. 

"Kung ayaw mo e di wag!" wika ko sa kanya ng pabiro sabay napa sad face ako sa harapan nya.

"Hala nagalit. Alam mo di bagay sayo malungkot." turan nya sakin sabay pisil nya ulit sa pisngi ko.

"Nakakarami ka na!" usal ko sa kanya.

Mga ilang minuto ang lumipas nakarating na kami sa bahay nila. Medyo pagewang-gewang pa si Wades kung maglakad kaya inalalayan ko sya hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.

"Wades mabuti hindi ka inaahas dito" turan ko sa kanya.

Muli ko kase na naman nakita yung kwarto nyang parang binagyo sa sobrang gulo. Yung unan nya nasa floor na, yung kumot nasa may malapit sa aparador nya, yung mga damit parang ahas na kung saan-saan nakalagay at ito pa yung sapatos nyang pampasok nasa kama nya.

Ang Natatagong LIHIM ni Juaquin Vergara  (Completed)Where stories live. Discover now