Chapter 29: Tribute show (Danger)

Start from the beginning
                                    

"Okay,,  here's the thing. Magpapalit kayo ng damit na susuotin ni model number 4. Is that alright? Para hindi mo na kailangan pang mag-suot ng heels. It's a long dress. Matatakpan ang mga paa mo. Kaya okay lang na mag-paa ka. Is that alright?"

"Everything's fine with me Ate. But, what about the model?"

"It's alright. I can wear anything..  Just as long as Ms. Ina A. Here is the one who made it." sabi ng model na lumapit sa kanila. Batid niyang narinig nito ang pag-uusap nila.

"Thank you very much girls. I owe you one."

"Okay..  Let's go? To get you change? Malapit na ang time. We don't want to rush right?" sabi ni Alli. Nginitian niya ang kaibigan saka ipinaubaya ang mga modelo. 

Finally, tapos na ang lahat para sa kaniyang  tribute run-way show. The visitors have arrived at nasa 130 ang mga ito together with the media na nasa 20 total of 150 visitors. Ang mga modelo ay nakaantabay na. Maging siya ay handa na rin.

Nasa labas at nakaupo kasama ng kaniyang in-laws, at ama si Kaiser na dumaan kanina sa backstage para i-goodluck siya. Dahil si Alli ang nakahandle sa mga models, kailangan siya sa backstage kasama ni Mami phine na magiging abala para sa mga kakailanganin ng models. Samantalang si Alex ay nasa computer room para siguraduhin na sunod-sunod ang magiging labas ng mga pictures na ipapalabas nila. Sila ang magiging katuwang niya sa magiging flow ng catwalk.

Tinawag ng MC ang pangalan niya, hudyat na lalabas na siya.

Dahan-dahan siyang naglalakad and as she almost reaches the center stage, ibat-ibang ilaw ang tumatama sa kaniya mula sa mga media.

She's wearing an A-Line white chiffon evening gown. That's the original design of her mother, but she added some details to it. The gown looks stunning with its pink and green beading na idinagdag niya rito.

Nang makarating na siya sa gitna, pinailaw ang buong paligid saka inabutan siya ng isang staff ng mic.

"Good evening ladies and gentlemen. I want to thank you all for participating on this event. I called this "The Tribute run-way show for Ms. Katrina Martinez " . Of course, most of you probably know her and also most of you are wondering why am I the one doing this tribute for the late famous designer." She paused to scan the crowd. Naaninag niya malapit sa kinatatayuan niya ang kaniyang pamilya. Saka siya nagpatuloy magsalita.

"Allow me to introduce myself again. Everyone of you knows me as Ms. Ina Michelle A. and that stands for Alvarez." patuloy ang naging bulungan ng lahat. Hindi nila inaasahan ang bagay na yun. Dahil walang nakakaalam ng dinadala niyang apelyido dahil itinago niya ito magmula ng magsimulang sumikat ang mga gawa niya. Paraaiwasan na pagusapan ang personal na buhay niya.

"And now I am standing infront of you all to reveal the truth about my birth. I am Ms. Katrina Martinez daughter." nagulat ang mga bisita sa narinig.  "And Mrs. Kristina Alvarez is my aunt and the one who raised me up." walang nangahas na magtanong maski ang mga journalist na kanilang naimbita. "And...  And my father is..  Mr. Collin Zavaroni." tumutok ang mata ng lahat sa kaniyang papa na katabi ang kasalukuyang asawa, si Harsh at Ang kuya Cassian niya na maliligayang nakangiti sakanya na nginitian niya pabalik.

"I will answer every question about this on my press conference tomorrow. But, for now I want to let the public remember my mother again. That's why this show is a tribute im honor of her and her last sketch designs. Everyone..  I proudly present to you..  The 11 gorgeous amd stunning fashion design of the Late Ms. Katrina Martinez. Please enjoy the show."

Sa Pagpatay ng ilaw, masigabong palakpakan ang maririnig. Naglakad pabalik sa backstage si Ina. Pagdating niya roon, agad siyang niyakap ng mga kaibigan at ni Mami phine. Maluha-luha niya naman niyakap ang mga ito.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now