Chapter 24: Confrontation

4K 108 14
                                    

Chapter 24

Ang bigat ng mga mata ni Ina pagkagising sa umaga. Tanghali na siyang nagising at kung hindi pa nag-ring ang phone niya ay hindi pa muna niya gugustuhing bumangon. Sobrang hindi maganda ng pakiramdam niya. Bumangon siya sa pagkakahiga, saka inabot ang cellphone niya na kanina pang nagri-ring.

"Hello,  wife? Are you awake now?"
Tanong ng asawa niya sa kabilang linya.

"Yes, Love..  Ngayon-ngayon lang."

"I'm sorry I didn't wake you up earlier. You're sleeping soundly. That's why. Don't worry, I already called your office about your absence for today. So just rest there okay? I'll be home early today. May importanteng meeting lang akong aasikasuhin." mahabang paliwanag ng asawa.

"Thank you Love, ingat ka ha?"

"You too..  Take a lot and lots of rest..  Okay?  Baka makasama pa sa pakiramdam mo."

Mahaba pa ang naging usapan nila. Pagkatapos gawin ni Ina lahat ng gagawin niya, nagpunta siya sa garden ng bahay nila saka umupo sa swing. Habang nakatingin sa kwintas na nasa mga kamay niya, Nagbalik sa kanya ang mga alaala na ikinuwento sa kanya ng dating tagapag-alaga, at kusang nagsitulo ang mga luha. Hindi niya lubos akalain ang katotohanan na nalaman kagabi. Ang daming tanong at bakit na nasa utak niya. Kung bakit yun ang naging pasya ng kanyang tunay na ina. Kung bakit hindi siya napunta sa totoong ama niya. At higit sa lahat,  kung matagal na ba siyang kilala ng tunay niyang ama, bakit hinayaan niya itong masaktan sa pangangalaga ng mga taong pinagkatiwalaan sa kaniya. Sa sobrang emosyon na nararamdaman niya, hindi niya napigilang ihagis ang kuwintas sa fountain na nasa harapan niya.

"I hate you. Ang sama mo!" tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha niya, pinupunasan niya ito saka tiningnan ulit ang kuwintas na hinagis niya. Regrets suddenly filled through her heart.

Agad  niyang nilapitan ang fountain saka kinapkap ito nababasa na pati ang braso niya ngunit hindi pa niya nakikita ang necklace kaya't hinubad niya sa paa ang suot na sandal saka binuhat ang sarili at mabilis na tumalon sa fountain. Lampas hanggang tuhod niya ang tubig. Nakasuot siya ng isang below the knee na stripped dress pero kahit ang laylayan na nito'y nabasa na din. The water is clean and clear to see pero hindi niya pa rin nakikita ang necklace, dahil na din sa mga marbles at mga artificial na batong nakadesign dito. Umupo niya sa at maging ang bewang niya ay nababasa na, pero patuloy pa rin siya sa pagkapkap dito. Hanggang sa makita niya ang isang bagay na kumikinang sa gilid na parte ng fountain, mabilis niya itong pinulot. Umalis siya sa pagkakaupo sa fountain. Napaupo na lang siya sa damuhan saka napatingin ulit sa kuwintas.

"This is my mother's keep. I must have been gone crazy for throwing it."
Wika niya sa sarili. At habang nakatingin pa sa kuwintas, bigla na lang niyang naalala ang mga kumupkop sa kanya.

She have decided already. She has to talk to her adoptive parents. She has to know what more truths lie behind her secret birth. Agad siyang nagtungo sa silid saka mabilis na nagpalit ng isang blouse at palda saka nilagay sa bag ang kuwintas. Pagbaba niya, tinanong siya ng kanilang mayordoma kung saan siya magtutungo, nagpaalam naman siya sa mga ito.

Nakalimutan na niyang tumawag sa asawa para ipaalam ang pag-alis niya. All she can think of is how she'll face her sister and parents rather not anymore . Nagmaneho siya patungo sa bahay nila dati. She's sure they're still at the house since birthday nga ni Irene. Agad siyang pinapasok ng mga guwardiya dahil nakilala na nila siya. Nadatnan niya sa living room si Irene na may kausap sa telepono.

"I told you. I'm pretty sure na nagmu-mokmok na naman yun sa bahay nila dahil hindi na naman siya nagreet nila daddy." pagmamayabang ni Irene sa kausap, and by hearing that, alam na ni Ina kung sino ang tinutukoy nito.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now