Sana hindi niya ako makalimutan kasi...mula ng umalis siya..hindi na siya nawala sa isip ko. Kapag pipikit ako mukha niya ang nakikita ko. Nandoon din siya sa mga panaginip ko. Ang puso't isip ko siya ang hinahanap hanap...at sana...ganoon din siya.

"Hindi ko pa rin sasabihin kung nasaan siya. You wait, Skyrile. And clean your mess kung gusto mo pa siyang bumalik!"

"Why are you hiding her to me, Zoel? Alam mo kung gaano ko siya kamahal. Bakit hinayaan mong gawin ko pa ito? Why?" Wala akong natatandaang may ginawa akong masama sa kaniya para pagdamutam niya ako ng ganito.

Makikinig naman ako sa kaniya kung sasabihin niyang kailangan kong manatili rito at maghintay. Hindi naman ako magiging matigas na ganito kung sasagutin niya lang ang mga tanong ko. I don't need to became this evil...kung iniisip niya lang sana ang nararamdaman ko.

"Believe it or not...I am not against you, Skyrile." Bumuntong hininga siya. "Ginagawa ko lang 'to para maayos ni Aria ang buhay niya at hindi 'yon mangyayari kung nandiyan ka para ipaalala sa kaniya ang lahat. All I want from you is to give her a break! Hayaan mo muna siyang buuin ang sarili niya at habang ginagawa niya 'yon, you fcking wait here!"

Mapait akong ngumiti. "So, I'm the destroyer now?" Naluha ako. "You think...I will ruin her? Tingin mo kapag nasaktan siya hindi ako masasaktan? At anong sabi mo? Hayaan siyang mabuo ang sarili niya? Tapos ano? Makahanap siya ng iba at hindi na bumalik sa'kin? Are fcking with me?" I hissed.

"Kung mahal ka niya, babalik siya sa'yo. At kung mahal mo talaga siya maiintindihan mo lahat ng ito."

"Damn! You don't tell that to my face. I did everything to find her, Asshole. Huwag mong patayin lahat ng pag-asang meron ako!" Babalik si Aria...babalikan niya ako!

Sinabi niya mahal niya ako. Dinala niya ako sa paborito niyang lugar at binigay niya sa 'kin ang tumbler niya. Mahal niya 'ko...hindi niya ako kakalimutan!

Kailangan kong maniwalang babalik pa siya at magkakasama kami ulit para...patuloy akong magkaroon ng rason para mabuhay.

Damn! Just come back, baby.....

"Show me that you still deserve her, Skyrile. Fix all your mess. Huwag mong saktan ang mga taong mahal niya...."

I don't want to....but I want to still find her.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Kuya Zoel kanina?" Tanong niya.

Diretso lamang ang tingin ko sa daan. "Wala." Malamig kong sagot. "Ibababa nalang kita sa bahay mo, may kailangan pa akong puntahan."

"Bahay natin, Skyrile. At saan ka na naman pupunta?! Mula nang bilhin ko ang bahay, hindi ka pa natutulog doon kasama ko!" Here we go again.

Oo nga pala. Bumili siya ng bahay para daw sa aming dalawa. Para sa 'kin sa kaniya lang 'yon at hindi naman namin kailangan dahil wala naman akong balak na umaktong asawa niya.

"May appointment pa ako, Samantha." Pagod kong sagot.

"Nang ganito ka-late? Huwag mo nga akong gaguhin! Anong klaseng appointment 'yan? Monkey business? Bahay bahayan kasama ang ibang babae?" Sigaw niya.

"Kailangan kong asikasuhin ang masteral ko. Tumigil ka nga sa kaka-putak diyan! Naririndi na ako sa'yo!" Sigaw ko pabalik.

"Paano naman ako, huh? Asawa mo 'ko! Dapat hindi ako nanlilimos ng oras mo pero ganoon ang nangyayari?!"

Napailing nalang ako at tinigil ang kotse sa tapat ng bahay. "Pumasok kana sa loob, Samantha." Bago pa maubos ang pasensiya ko.

"Ayoko! Mag-usap muna tayo!" Giit niya.

"Ayoko."

"Kung gano'n sasama nalang ako sa kung saan ka pupunta ngayon!"

"Will you just shut up and go?!" Napahilot ako ng sintido. "Lumabas ka na ng kotse ko bago pa ako mawalan ng pasensiya sa'yo. Please lang..."  Pikon na pikon na talaga.

"Wala kang kwenta, Skyrile!" Galit niyang singhal bago bumaba ng kotse. "I hate you!"

"Lets be miserable, Samantha." Pahabol ko bago niya pabagsak na sinara ang ang pinto.

Seryoso at walang lingon lingon ko namang pinaharurot ang sasakyan palayo sa kaniya. Wala talagang mangyayari kapag magkasama kami. Napapagod na ako sa mga bangayan naming paulit ulit na lang!

Dumiretso ako sa condo. Mas gusto ko dito kesa doon sa bahay na binili ni Samantha. Nandito ang katahimikan ko wala doon.

Pumasok ako ng kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Natulala nalang ako sa kisame.

How are you, baby? I miss you so damn much. Come back to me, please...hindi ko na alam kung paano ako magigising kinabukasan ng wala ka.

I hope you're okay. Sana huwag mong kalimutan na nag-aantay ako dito para sa'yo. Mag-aantay ako kahit matagal, baby. I promise you that.

Note:
#hindinaproofread
Masama na ba para sa'yo si Skyrile? What do you think? Deserve niya pa rin kaya si Aria?
What do you think?

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now