Day 69/365

260 2 1
                                    

Irene



Napilitan akong hayaang mag stay si Jacob sa unit ko, and as for Tita Martha's suggestion. Dalawa kasi kwarto dito sa unit ko. Let's be good at him, pero ngayon lang, we're still enemies--sa acads.


Kagigising ko lang at half day kami ngayon sa school kasi bukas may camping na magaganap for 4 days. Gladly may banyo per room and I will not share it with him. 


Pumunta ako sa fridge para mag almusal kaso biglang nawala yung cereal, Hinanap ko naman si Jacob na nakaupo sa maliit na living room, at sya lang ang nagiisang pwedeng salarin sa cereal ko, "At sinong nagsabing ubusin mo yung cereal ko ng walang paalam?"


"Good morning, Irene, eto oh, share tayo." Sabi nito, he extended his arm while holding the bowl of cereal, ah ganon ha, share pala gusto mo ah.

"Sige, share tayo, basta share din tayo sa groceries." I say, victory is mine, haha.

"Saan?"

"Sa groceries, exept for toiletries, and personal stuff."

"Madaya--"

"My unit, my rules." A playful smirk formed on my lips at napalunok naman ito. I sat across him, sa katapat na sofa at tinitigan sya ng maayos, "I'll share everything I have in my refrigirator, pantry at lahat ng hindi personal na gamit, basta ikaw magbabayad sa sususnod na grocery." I say.

"Sabi mo yan ha," he replied with a smirk, "Deal?"



"Deal."


-


I arrived at school by 10:50 in the morning, everyone's told o gather at the school's lobby, dahil late ako, the school's principal told them earlier na bubunot daw ang mga students ng number at yung mga magiging magkaparehas ng number ay yung mag ka-pair sa camping this year.


I walked towards the table na nakapuwesto sa harapn at kumuha ng laminated na number.


Kath ran towards me na may dala-dalang number, "Anong nabunot mo, Kath?" I asked.


"23, ikaw?"


"34." sabi ko naman, "OMG, Irene, parehas kayo ni Jacob!"




What the hell?




"GUYS! MAGKAPARTNER SINA JACOB AT IRENE! MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ni Kath, at that moment, I was so embarassed, nakatingin yung mga kabarkada nya sa akin pati kay Jacob, at hindi lang sila, pati na rin yung ibang mga students habang nakiki-cheer at tawa pa kay Kath.


Napa-face palm nalang ako, "Bwiset ka, Kath nakakahiya ah." sabi ko ng pabulong sa kanya, "Ayos lang yan! Alam mo ba, lolo't lola ko nadaan lang sa biruan, namo ngayon, may lima na silang anak at 13 na apo!" pabirong sabi ni Kath.


"Kath!"


Natapos ang bunutan at uwian na, nag announce lang ang school na tomorrow 5 in the morning aalis ang bus and gave us our assigned bus numbers, gladly, magka-bus number kami ni Kath, sa sa unahan sya banda at sa dulo naman ako, malas rin.


I was about to ask Kath to have lunch with me sa malapit mall dito sa school, kaso naunahan ako ni Jacob magsalita.


"Future wife, kain tayo lunch." sabi nito, may mga napatingin namang ibang students sa amin, "Kakain kami ni Kath ngayon. Right, Katrina?" I eyed Kath to say yes, "O-Oo, may plano kaming kumain ni Irene today."


"Look, number 36, I'm not asking you to eat lunch with me, I did not say it with a question mark, I said it with a period, ibig sabihin, inuutusan ko ang future wife ko na kumain kami ng sabay ngayong lunch, tama ba ako guys?" sambit ni Jacob.


Iba nga naman to si Jacob, nag entertain pa. 


"Hindi future wife o number 36 pangalan ko!" Irap ko.




"O, ano? Lunch?" he asked.


-





365 Days | talesbyariWhere stories live. Discover now