13

10 5 0
                                    

Mahimbing na natutulog si Nikkie sa kanyang higaan alam ko na ang buong katauhan neto ang buhay na nakagisnan niya napatingin agad ako sa pinto ng dumating siya.

"What?" irita niyang tanong. Nilapitan ko siya dahil sa babaeng 'to muntik na mapahamak ang katawang tao ni Nikkie dahil sa kapabayaan niya.

"Akala ko ba sandali ka lang sa labas at umabot ka pa talaga sa gusaling yon. Baka nakakalimutan mong nakikigamit ka lang ng katawan. Paano kung hindi ako nakarating sa tamang oras. Napakairesposable mo talaga Euphemia napaka iresponsable!" napataas ang boses ko dahil sa iritasyon na nararamdaman ko sa kapabayaan niya.

"Aba teka! Malay ko bang mag gagabi na ano bang pinuputok ng butsi mo eh! nandyan na yong babae oh" sabay turo niya kay Nikkie na mahimbing na natutulog. Hinablot ko ang braso niya at mariing hinawakan eto bakas sa mukha niyang nasasaktan siya.

"Napupuno na ako sa ugali mo Euphemia punong puno na!" mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa braso niya.

"What the fuck! Ano ba bitiwan mo ako" pagpupumiglas niya at mas hinigit ko pa siya papalapit saakin. Ang isang tulad mo ay hindi nararapat pangiligtas sa kamatayan dahil sa ugali mo. Wala isang tao o angel ang makakatiis. Simula sa nakita kita noo hanggang sa ano ka ngayon ay walang pagbabago.

"P-please...loo-se..n yo--u're grip n-nasasa-kta-n... na a-ko" doon ako na tauhan ng humihikbi siya kaya agad kung nabitawan at umatras sa harapan niya at siya ding magdaosdos niya papaupo sa malamig na sahig sa harapan ko. Umaanga't baba ang kaniyang balikat kahit nakyuko ay rinig na rinig ko ang pagiyak niya. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa ginawa ko lalapitan ko sana siya para tulungang tumayo ng inutahan niya na ako.

"OKEY IT'S MY FUCKING FAULT! PALAGI NAMAN WALA NA AKUNG GINAWANG TAMA NOONG BINUHAY AKO SA MUNDONG TO!" bulyaw niya saakin

Marahas niyang pinunasan ang mga takas na luha sa kaniyang pisngi. Gusto kung magsalita pero biglang umurong ang dila ko hindi ko mahanap ang salitang dapat kung sabihin marahan kung iniwas ang paningin ko sa kaniya.

"Uuwi na tayo lumalalim na ang gabi" malumanay kung sabi sabay lagpas sa kaniya at agad kung binuksan ang pinto. Tahimik lang ang naging biyahe namin ng sunduin kami ng driver sa bahay nang makadating na kami ay walang imikan saaming dalawa.

"Sir chase nakahanda na po ang dinner niyo sir" bungad ng katulong saakin.

"Wala po akung gana" ngumiti lang ang katulong saakin at umalis sa harapan ko. Nakita ko ang pagalis ni Euphemia sa tabi ko at agad pumunta sa sala ng bahay at ako naman ay dumiretso sa kwarto para makapahinga.

Bawat patak ng tubig sa katawan ko ay nagpapakalma sa buong systema ko. Hinayaan ko lang ang aking sarili sa ganon posisyon hanggang sa nahimasmasan ay agad kung pinihit ang gripo pasirado.

"OKEY IT'S MY FUCKING FAULT! PALAGI NAMAN WALA NA AKUNG GINAWANG TAMA NOONG BINUHAY AKO SA MUNDONG TO!"

Napapikit ako ng biglang bumalik ang panyayare kanina kitang kita ng mata ko ang sakit at pighati niya sa bawat salitang binitawan niya. Huminga ako ng malalalim sabay buga ng malakas. Lumabas na ako ng banyo at agad na nagbihis humahapdi pa rin ang kamay ko dahil sa ginawa ko kanina. Umupo ako sa gilid ng kama para punasan ang basa kung buhok mas ginulo ko eto ng makita ko na naman ang mukha niyang umiiyak.

"Give me your hand" agad akung napatingala ng nasa harapan ko siya hindi man siya nakatingin pero inilahad niya pa rin ang kamay niya at naghihintay sa gagawin ko.
"bakit?" takang tanong ko. Alam kung nakita niya ang pagkasunog ng kamay ko sa kanang bahagi.

Alastair Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon