3

158 12 0
                                    

"Pakiusap, bigyan nyo pa ako ng pangalawang pagkakataon" pakiusap ko sa kataas taasang pinuno habang nakayuko pa rin ang aking ulo. Nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa kabang nararamdaman ko ito ang pagalawang beses na nasa harapan ako ng mga kataas taasang pinuno.

Noong una kung nilabag ang pinagbabawal na utos ng kahit sino mapaangel o spirit guardian ay hindi pwedeng labagin. Kamatayan ang magiging kaparusahan at itatapon ang iyong kaluluwa sa nagbabagang apoy ng impyerno.

Magmahal ng imortal

"At sa anong dahilan" hampas niya ng kanyang sungkod sa sahig napapikit ako dahil sa gulat. Pakiusap

"Sinisigurado kung maiitama ko ang lahat" pagpapangako ko habang tinutumbasan ang tingin ang kanyang mga matang parang hinihigop ang buong kaluluwa mo ako ang sumoko at iniwas ang tingin sabay talikod at lumabas ng korte nang porgatoryo.

Swerte ko lang na nabigyan ako ng pagkakataong hindi maitapon ang aking kaluluwa sa impyerno dahil sa merit.

Napahilamos ako sa aking mukha ng maalala ang babaeng yon. Sinasabi ko na nga bang sakit ng ulo ang dulot saakin kung hindi ko sana pinagbigyan ang kahilingan niya sana hindi ako paparusahan ng isa pang malaking sintensya.

"Matatanggal din kita" sabay hawak sa kadenang nasa leeg ko at agad akung naglakad sa pasilyo ng labasan ng porgatoryo at ng makalabas gumamit ako ng kapangyarihan para buksan ang lagusan.

***

"Kailangan na nating umalis" tapik ko sa balikat niya pero imbis na sumagot tinitigan lang niya ako at napatingin sa likuran bahagi kaya lumingon ako.

"Why, are you shouting at Euphemia alam mo bang na sa main door pa ako eh! rinig na rinig ko na boses mo" reklamo ng nobyo ni Euphemia nilagpasan niya lang kami at sabay sirado ng pinto ng makapasok na ito.

"Hindi, pwede kailangan ko munang magpaalam" yukong sabi niyang sabi habang nilalaro ang mga daliri sa kamay.

"dahil ba sa kanila?" sabay turo sa pintong kakasirado lang sa harapan namin. Naghihintay ako ng sagot niya ng ibaling ko ulit ang tingin sa pinto.

"Oo, tsaka magpaparamdaman muna ako kila mama't papa sa kanila no! bago mo ako kunin" masiglang sabi niya tumango ako para pagbigyan ang kanyang kahilingan dahil parte yun ng pagpapasya niya upang maibsan ang pangungunlila niya sa kanyang mahal sa buhay. Kapag ang isang kaluluwa ay, hindi tuluyang matanggap ang kaniyang kamatayan o ang paglisan ay may posibilidad na magpagala gala ang kanyang kaluluwa sa mundong ibabaw na walang pagkakilanlan.

"I, Lilly Ramirez nangangakong sasama sayo after kung magpaalam" ngiting sabi habang tinataas ang kanang kamay niya simbolo ng nangangako. Nagpaalam siya saakin sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala ng tuluyan.

"Tutulungan kita kahit anong mangyare" bulong ko sa kawalan.

"Wag kang magsasalita ng tapos" biglang sulpot niya at nakacross ang mabraso at komportableng nakasandal sa hamba ng pintuan.

"Alam ko kaya wag mo akung pangaralan" maktol ko sa kaniya aalis na sana ko ng magsalita siya ulit kaya kunoot noo akung lumingon.

"Mabuting nagkakaintindihan tayo tapusin muna agad ang trabaho sa lalong madaling panahon. Tumatakbo ang oras, Bata!"

Kagaya ng dati ay bigla na naman siyang nawala na parang isang bula. Pagkatapos ng walang kwentang usapan namin ay agad na akung lumakad papalabas ng gusali tumambad saakin ang malamig na ihip ng hangin na nunuot saaking balat. Gabi na pala.

Alastair Has FallenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt