8

92 14 0
                                    

Tirik na tirik ang araw sa kinakaroonan ko ngayon kitang kita ko ang aking anino sa lupa na saaking harapan hindi pa rin ako makapaniwala na may katawang tao na ako. Ng gabing nakita ko ang aking sarili sa salamin ay agad kung hinanap si Alaric para maipaliwanag ito saakin pero kahit anong gawin ko ay hindi siya nagpakita.

Sumilong ako sa gilid na nakatayong waiting shed sa kalsada habang kunoot noong pinagmamasdan ang hospital ilang ulit ko ng subukang pasukin ang lugar na yon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapasok dahil sa lalaking yon. Ano ba talagang nangyayare? Dahil ba to sa pabiglang pagbabago ni Alaric kung anong man ang naktakdang nakasulat sa libro ng mga utos? Napahilamos ako sa mukha saaking naiisip na pwedeng dahilan sa pagiging anyong tao ko.

"Hoy! saan ka ba pupunta?" kalabit ng isang lalaki sa akin kaya napalingon ako sa kaliwang kanang ng balikat ko. Sino ba to? kung makalabit eh! akala mo kilala ko.

"Dre, okey ka lang" kurot nya sa pisnge ko tinabig ko naman agad ito at dumistansya sa kanya. "kanina, pa tumatawag ang papa mo saakin gusto mo bang mamatay ako na wala sa oras?" sigaw nya at akmang babatukan ako kaya agad akung umiwas.

"sino ka ba?" nagsasalubong na ang aking kilay dahil naiinis na ako sa kanyang presensya.

"best actor sige ikaw na" sabay palakpak niya tinalikuran ko siya at naglakad ulit sa gilid ng kalsada pati sa pagtawid ko ay sinusundan niya pa rin ako

"chase!" tawag niya sa pangalan ko kaya napahinto ako sa gitna ng kalsada at marahas na napalingon sa likod.

"bakit mo ako kilala?" takang tanong ko. Bahagyang tumawa at lumapit saakin sabay tapik sa balikat

"dre, hindi na yan uso, kaya tara na pinapauwi ka na" hawak niya sa braso ko sabay kaladkad papunta sa gilid ng kalsada.

"teka, sino ka ba?" hablot ko pabalik sa braso ko sa kanya "pinadala ka ba ni Alaric dito?" Alam kung pinadala siya , alam ko.

"dre, alam kung nahihirapan ka na sa nangyayari sayo ngayon at hindi mo alam kung ano ba talagang nangyayre sa'yo pero magtiwala ka lang saamin" tama nga ako isa siya sa pinadala ni Alaric para sunduin ako at makauwi sa porgatoryo. Alam kung tutulungan niya akung masolusyonan ang problemang kinakaharap ko. Agad ko siyang hinawakan sa balikat at sabay yakap.

"Kailan mo ako dadalhin kay. Alaric?" ngiting sabi ko sa kanya

"Ha? kahit sino pa yan basta tutulungan kita sa papa mo ok? I got your back dre" tapik niya sa balikat ko.

"Papa? sigurado ka ba sa sinasabi mo, tagaibabaw?" tanong ko ulit sa kanya. Nauubos na ang aking pasensya sa lalaking to.

"Dre, pwede ba! wag kang magpanggap na may amnesia ka, para kang tanga" asik nya sa akin sabay lakad ulit

"Ano ba! hindi kita maiintindiahan" singhal ko sa kanya naubos na ang aking pasensya. Kailangan ko ng kasagutang ngayon dahil kapag hindi ay paano ko matatapos ang misyong dapat ibibigay saaking ng kataas taasang pinuno kong ganito ang nangyayare saakin.

"mas, hindi kita gets! look chase we know maayos din yang away niyo ng papa mo" sabi niya sabay lagpas saakin at naglakad ulit kaya patakbo ko syang hinabol. "speaking of your dad, sige pumasok ka na" sabay tulak sa akin sa pintuan at agad naman itong bumukas. Bumungad saakin ang isang matandang baabe kaya agad na akung pumasok baka na sa loob si Alaric.

Sunundan ko ang babae papasok sa loob ng bahay napakalaki neto at ang mga gamit ay napakalinis. Lumiko kami sa kanang daanan ng pasilyo at humarap sa isang pintuan na kulay abo at kahel.

"Sir, naghihintay na po si sir sa loob" sabay bukas niya ng pintuan at agad akung pumasok na mangha ako sa laki ng opisinang pinapasukan ko ngayon agad nilibot ko ang aking paningin ng makita ko ang isang bulto na lalaking nakatalikod saakin at nakaharap sa bintana agad naman itong lumingon ng magsira ang pintuan.

"Son, were have you been you make me worried" napatras ako ng akma siyang lalapit. Ano bang pinagsasabi niya hindi ko sya maintindihan isa ba to sa mga pagsubok ng kataas taasang pinuno?


"I think you need a rest mukhang wala ka sa mood na pagusapan, kaya matulog ka muna. We will talk later" sabay talikod niya saakin at humarap ulit sa malaking bintana.

Alastair Has FallenWhere stories live. Discover now