5

117 12 0
                                    

Nakayuko pa rin ang ulo ko habang nakaluhod sa kanilang harapan, nasa korte ako ng pagpaparusa, hindi dahil ako ang paparusahan kung hindi ang kalapastanganang ginawa ni Rhys para saakin.

Napatingin ako saaking mga kamay na may suot na mga singsing na kurting pakpak at espada napahawak ako sa singsing na naging kulay itim Rhys ang singsing ang nagsisimbolo ng katapatan ng isang angel sa isang Spirit Guradian sila ang nagbibigay ng apoy ng buhay at ikaw din sa kanila ibinibigay lang ito sa isang katulad ko kung naparusahan. Eto ang tinatawag na merit sa kabutihang pinagkaloob ng mga kaluluwang maayos na naihatid sa kanilang pintuan.

Dapat noon ipapatapon na ako sa nagbabagang apoy ng impyerno pero ang mga angel ay pinagtangol ako ang siyang may dahilan, apat na angel ang lumaban para bigyan ako ng pagkakataon patawarin pero ang kapalit ay tatanggalan sila ng pakpak at ipatapon sa lupa. Napahawak ako sa dalawang natitira pa ang magkambal na sila Sam at Blair lumapit ang isang hukom at kinuha ang aking kamay para tanggalin ang singsing. Sinsing na nagrerepresenta ng walang hanggang katapatan ni Rhys saakin agad kung pinunasan ang aking takas na luha at pigilang umiyak dahil sa sakit.

"Archangel Rhys, ay hinatulan na walang hanggang kamatayan, ang kanyang kaluluwa ang hindi maaring mabuhay sa susunod na pitong siglo at higit pa. Ang kanyang pagtataksil sa Diyos ay walang hanggang kapatawaran" anunsyo ng kataas taasan pinunong Anthanasius agad naiyukom ko ang aking kamao sa sahig dahil sa wala akong magawa para sa mga kaibigan ko.

Ang kamatayan ng angel ay ang pagkakatawang tao neto sapagkat binibigyan lamang ng kaunting apoy ng buhay ang bawat isa dahil nahahati din ito sa Spirit Guardian. Ang kanilang apoy ay kailangan manatiling buhay sa bawat isa at kung ang isa ay mamatay ay mas kakalahati ang taon o araw na ibibigay ng apoy ng buhay sa natitira pangkahati neto hanggang sa ito'y matupok.

Ang mga angel ay kailangan araw-araw magdasal at humingi ng kapatawaran sapagkat tinalikuran nila ang Diyos para sa pagseserbisyo sa gawa ng diyos sa lupa na isang katulad ko at kapag unti-unting nawawala ang senserida nila sa paghingi ng kapatawaran ay siya ding paghina ng apoy ng buhay sa kanilang mga puso.

Agad na akung tumayo at nilisan ang korte ng pagpaparusa. Bibisitahin ko ang magkambal agad kung binuksan ang lagusan. Nasa labas ako ng isang bahay naririnig ko ang paghampas ng tubig dagat sa dalampasigan dahan dahan akung lumapit sa pinto at kumatok.

"Sino yan? Blair pakitignan mo kung sino" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Sam agad naman bumukas ang pinto nakatingin si Blair saakin na may ngiti sa labi sabay yakap.

"Kamusta ka na kuya Chase" ngiti niya saakin "Sam, nandito si Kuya Chase!" sigaw niya sa loob ng bahay agad namang napatakbo si sam saakin at sinalubong ng yakap.

"Kuya, pasok po kayo" ngiti ni Blair sabay hawi ng daanan para makapasok ako agad naman akong na upo sa kahoy na upuan at pinagmamasdan ang dalawa na abala sa paghahanda sa hapag.

"Sorry, kuya ito lang muna ang kaya naming maihanda hindi naman kasi namin alam na darating pala kayo" nahihiyang sabi ni Sam napangiti na lang ako sa kanila at dinaluhan ko sila sa hapag kainan pinagmasdan nila ang bawat kilos na ginagawa ko, pati ang pagnguya kaya inilapag ko ang aking kutsara. Hindi kumakain ang isang tulad ko ngunit kailangan kong magpanggap. Hindi nila naalala ang tunay nilang pinanggalingan at wala akong balak isiwalat eto.

"Kumain na kayo diyan at huwag ninyo akong titigan" sabi ko sabay inom ng tubig. Nakikita pa rin ako ng dalawa sapagkat hindi naman tinanggal ang kanilang kakayahang makakita sa mga kagaya ko at kagaya ng kanilang ka uri. Mga archangel.

"Pinuntahan nila kami kagabi" muntik ko na maibuga ang tubig sa harapan nila. Napatayo ako pagkakaupo at siya ding pagkahulog ng baso sa gilid ng lamesa.

"Magdasal kayo. Dali!" napataas ang boses ko dahil sa nararmdamang takot para sa kaligtasan nila. Halatang nabigla sila sa pagtaas ng bosese ko at natarantang napaluhod sa altar. Napahawak ako sa kanilang mga ulo habang hinahaplos lumuhod ako sa harapan nila.

"Magdasal kaayo ng maiigi at may senseridad sa inyong mga puso alam ko nalilito pa rin kaayo pero pakiusap pagkatiwalaan ninyo ako" mahinahon kung sabi sabay hawak sa kanilang mga pisnge binigyan nila ako ng ngiti sabay tango saakin at nagsimula na silang magdasal ng taimtim.

Sisiguraduhin kong makakabalik kayo sa piling ng Diyos at malayang mabubuhay sa kanyang kaharian. Dinaluhan ko sila sa altar at nagdasal.

Alastair Has FallenWhere stories live. Discover now