FIVE

53 9 2
                                        

Pag pasok na pag pasok ko sa bahay sinarado ko agad ang pinto at hingal na hingal.

Mas pogi siya sa personal, pero hindi masyado matangos ilong, may shape ang kilay pero hindi masyadong makapal, may pagka kissable lips, gwapo ang shape ng mukha, mahaba pilik mata, lakas ng dating at ang pogi niya lalo pag naka fierce!

"Hoy, anyare sayo?!" tumayo si Rain mula sa pagkakahiga niya, nakatingin siya sakin at halata ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Si..." Hawak hawak ko ang dibdib ko "Si..." dahil tumakbo ako ng mabilis, "Si..." hindi ko alam kung bakit puro 'Si' lumalabas sa bibig ko.

"SI-sipain kita pag di ka umayos. Anong si?!" sigaw ng pinsan ko, sabi ko na nga ba sisigaw to kaya sinarado ko ang pinto.

"Si Cloud..." pabulong kong sinabi sa kaniya para sure na hindi nila maririnig. Kinikilig nanaman ako kapag naaalala ko.

"Oh, anong meron? Nakita mo si Cloud, akala ko ba hindi ka si Dora?" nakapamewang siya na parang nanay.

"Oo, bat mo alam? Mama niya yung nag aya sakin kumain." sabi ko habang hindi mapakali at nanginginig pa ng konti.

"Ahh" mahinahon niyang sabi.


"Ano?!" sigaw niya sakin kaya napatakbo ako para takpan ang bibig niya.

"Sigaw ka pa para marinig nila, daig mo pa announcer kung sumigaw." pang sesermon ko sa kaniya.

Hinawi niya ang kamay ko "Nakita mo si Cloud?" halos hangin nalang ang lumabas sa bibig niya sa sobrang hina ng boses, pero naintindihan ko pa din.

"Nahawakan ko din yung kamay niya!" pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa sobrang kilig at parang sasabog na ako.

*KNOCK KNOCK~*

Sabay kaming napatingin ni Rain sa pinto at nag tinginan.

"Buksan mo." utos ko sa kaniya.

"Hindi, buksan mo." utos niya din sa akin at nakapameywang pa din.

"Ah hindi ikaw na, Buk-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bumukas bigla ang pinto, agad naman kaming napatingin ni Rain doon.

"Ako na nag bukas, mukhang next year niyo pa ako balak pagbuksan e." nakangiti siya sa amin.

Nanlaki ang mata ko at madramang napahawak sa bibig dahil sa lalaking nag sasalita ngayon sa harap namin na may dala dalang dalawang tupperware.

Siya yung barkada ni Cloud! Yung nakikita ko lagi sa 'my day' niya.

"I-ikaw?" turo ko sa kaniya.

"A-ako?" ginaya niya yung pagka utal ko at tinuro din ang sarili niya.

"Dejoke lang, pinapabigay nga pala ni Tita. Naiwan mo daw kase sa sobrang pagmamadali mo." Inabot niya sa akin ang dalawang tupperware, kinuha ko naman yon at nilagay sa lamesa. Ito 'yong pagkain pinabaon niya sa akin para kay Rain kaso nakalimutan ko sa sobrang pag mamadali.

Hello Spring Where stories live. Discover now