Matagal ko na talagang gusto pumunta sa japan. Kaya nga lahat ng nakukuha kong pera tuwing pasko ay iniipon ko. Medyo malaki na din yung naipon ko noon pero nagka-emergency ang pamilya namin.
Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi nila, gusto kong sumigaw at tumalon talon sa tuwa. Nananaginip ba ako? pakurot ako pls char.
Pumayag na agad ako na sasama ako sa kanila kahit na hindi pa ito alam ni papa. Tinawagan ni Tito Darwin si papa kanina para ipag paalam ako dahil kailangan na malaman kung makakasama ba ako o hindi dahil kukuha na ng visa.
Noong una ay ayaw pumayag ni papa dahil baka maging asikasuhin lang daw ako nila tita at tito, pero sa huli ay pumayag din si papa dahil alam din niya na matagal ko nang pangarap iyon.
Makikita ko kaya siya? kanina ko pa iniisip yon, pero alam ko namang masyadong maraming lugar sa japan para mag kita kami, at kung mag kita man kami hindi niya ako kilala.
11 pm na pero hindi parin kami natutulog ni Rain, "Snow may gusto ka ba? baba kase ako para kumuha ng mid snacks." lingon sakin ni Rain habang nakahawak sa doorknob ng pinto.
"Yung donut nalang na dala mo kanina." sagot ko sa kaniya na hindi man lang tumitingin dahil nanonood ako ng Korean drama.
"Shocks, nakalimutan ko!pero meron naman ata sa ref." at lumabas na siya ng kwarto. Kung naiwan sa bahay namin ang donuts, sigurado ako na ubos na iyon ni kuya.
*TING~~*
*TING~~*
Dalawang mag kasunod na notification ang umagaw sa attensiyon ko kaya pinause ko muna ang pinapanood ko. May bagong tweet at 'my day' si Cloud.
TWITTER
@ cldstvn_
'nag puyat pa ako iba din pala kakausapin mo.''
Mag rereply sana ako ng 'ako nalang kase Cloud.' kaso baka i-block ako bigla kaya wag nalang. Pero kanino naman kaya nag seselos to?
Tinignan ko din kung ano yung bago niyang 'my day'. Isa yung conversation na naka crop yung pangalan at profile, yung mismong convo lang ang kita.
MESSENGER
My Day
Cloud Steven
10 secs ago
Cloud:
Akala ko ba matutulog kana?
Unknown:
Kausap ko pa crush ko
Cloud:
Crush mo pala ako?
Unknown:
Asa ka
Awts. Cloud ako nalang kase talaga, charot slight.
Biglang pumasok si Rain dala dala ang dalawang malaking chips na may kasamang chuckie at dalawang choco butternut doughnut na nakalagay sa plato.
Halatang hirap na hirap siya sa pag bitbit ng mga ito "Argh! dapat pala sinama nalang kita sa baba." pag rereklamo niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, "Sa tingin mo, may something kaya sa kanila ni Trisha?" hinarap ko sa kaniya ang cellphone ko para ipakita ang convo.
"Paano mo nasabi na si Trisha 'yan? wala ngang picture tsaka pangalan." nakataas ang isa niyang kilay habang sinusuri ang 'my day' ni Cloud.
YOU ARE READING
Hello Spring
Teen FictionOne of the dream of Snow is to go to japan. In coincidence, she had a crush on someone for so long that lives in there too. This story will make you realize that every second and person in our lives is important.
