Chapter Five

106 2 0
                                    

MAY lungkot sa matang tinunghayan niya ang sarili. She looks stunningly beautiful in her golden sexy tube style prom dress. Backless iyon showing her ivory flawless skin and its tube style gives a perfect view at her delicate and beautiful neck and collarbone. At kahit mahaba ang dress ay may slit iyon sa kaliwang hita niya at lumilitaw ang mahubog at mapuputi niyang binti at hita sa bawat paggalaw at paglakad niya. Her hair and make up perfect. Her golden high heels in three inches made her look even taller. She looks as if she were to grace the red carpet of an international awards night.

Dapat ay masaya siya, dahil naghihintay sa kanya sa baba si Jamir bilang escort niya sa gabing iyon. Pero hindi niya iyon maramdaman ngayon. Mula kasi ng araw na iyon sa hardin ng malaman ni Justine na si Jamir ang escort niya sa prom ay hindi na siya nito kinausap. Kapag nakakasalubong niya ito sa bahay o sa school man ay ni hindi siya nito sinusulyapan at nasasaktan siya. Bumalik na naman sa dati na hindi niya ito kasabay sa pagpasok sa school at sa pag uwi. Kung dati ay siya ang umiiwas, ngayon ay ito naman. At isang linggo ng mahigit silang ganito at nahihirapan na siya.

At ni hindi ito nagdahilan sa mga magulang ng magtanong ang mama nito kung bakit hindi na naman sila nag uusap.

"Ano na naman kaya ang pinag awayan ninyong dalawa at hindi na naman kayo nag uusap?" tanong ng mama nito nang umagang iyon na nagbebreakfast sila. Linggo kaya hindi puwedeng hindi sila sabay sabay kumain. Ayaw man niyang sumabay at makaharap sa hapag kainan si Justine ay wala siyang choice, wala siyang maidadahilan kung bakit hindi siya sasabay sa agahan. At ganoon pa rin hindi man lang siya nito sinusulyapan, samantalang siya'y titig na titig dito kung ano ang isasagot nito sa mama nito.

"Ayaw naman niya akong kasama kaya alangan namang ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya" at napaigtad siya ng bigla itong tumingin sa kanya. His brown eyes very cold.

"Hindi ko nga po alam ma, bigla na lang siyang ganyan sa akin, hindi ako kinikibo" she said, hurt was obvious in her voice.

"Lagi ka namang walang alam!" pabalang nitong sabi at biglang tumayo kahit hindi pa tapos kumain.

"Justine!" tawag ng mama nito pero nakalabas na ito.

"Hayaan nyo muna siguro si Justine ma, baka may personal problem lang kausapin ko siya mamaya" sabi naman ni Jamir.

"O hija, kumain kana, lilipas din yang tampo ni Justine" pangungumbinsi naman ni Don Menandro sa kanya.

Napilitan siyang ngumiti kahit naiiyak na siya. Nasasaktan siya sa mga ikinikilos ni Justine. Ramdam niya hindi lang ito basta nagtatampo, alam niya galit ito at kung bakit ay hindi niya alam.

At lalo pa siyang nasaktan noong isang araw, dahil nakita niya itong kasama si Sharmaine. Kaklase niya si Sharmaine, at ito ang nanalong Miss St Gabriel ngayong taon, iyon ang pinaka prestisihiyosong beauty contest sa St Gabriel's University. Sinasalihan iyon ng highschool at college department, hindi lang beauty kundi brains din ang tungkol sa patimpalak na iyon. And this year ay mula sa highgschool department ang nanalo, si Sharmaine Aldana, matangkad, maganda at mula sa may kayang pamilya.

Siya man ay inalok ng committee ng patimpalak na sumali pero tinanggihan niya. Hindi siya sanay sa mga ganoong contest kahit na sinasabi nilang taglay niya ang mga katangian para sa patimpalak na iyon. May kumirot sa dibdib niya ng pumasok sa school canteen ang dalawa, akbay ng binata si Sharmaine at masayang nagtatawanan ang dalawa.

Napatingin sa kanya si Hazel, kunwari ay hindi niya napansin ang nagtatanong na mata ng kaibigan at sige lang siya sa pag inom sa milk tea na inorder niya.

"Anyare bes, bakit may iba ng kasama si Mr Pogi?" nang iintrigang tanong ni Hazel.

"Wala naman" balewala niyang sabi.

Walang Ibang IkawWhere stories live. Discover now