Chapter Two

155 2 0
                                    

NAPABALIKWAS siya ng bangon at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang oras sa bedside table. Seven thirty! Oh God! Male late siya nito! Bakit ba naman kasi ngayon lang siya nagising. Naka set na ng alas sais ang alarm clock niya pero hindi man lang niya iyon narinig. Usually pa nga ay nauuna pa siyang magising kaysa sa alarm clock at may time pa siyang magbreakfast bago maligo. Napuyat kasi siya kagabi dahil hindi siya makatulog sa inis niya sa binata.

Dali dali siyang naligo and in record history ay nakatapos siyang maligo ng wala pang limang minuto. And she groaned out aloud nang maghalungkat siya sa closet niya at ang mga nandoon ay puro mga office attire na blouse and skirt, na medyo maiksi! Wala na siyang oras para magkalkal pa ng ibang damit tulad ng mga naitago niya dating slacks.

Kumuha na lang siya ng isang pares niyon, kulay pulang sleeveless blouse and skirt iyon, na may katernong blazer and at the last minute ay nag atubili pa siya kung huhubarin niya dahil medyo maiksi nga iyon, pero wala na siyang oras at madaliang sinuklay ang buhok, wala na rin siyang time magsuot ng stockings! Kinuha niya sa shoe rack ang katernong pulang high heels. At dahil sa nagmamadali siyang nagmake up ay napakapal pa ang pag aaply niya ng make up at ganoon din ang lipstick niya na bloody red! At hindi na niya nakuhang magblow dry ng buhok, basa basa pa ang mahaba niyang buhok.

Humahangos siyang bumaba at nakasalubong ang kanyang mama.

"Carmina, akala ko nakaleave ka ngayon? Papasok ka pala, kung alam ko lang ay pinagising sana kita kay Lupe" ang nagtatakang sabi nito.

"E si Justine po kasi, kailangan daw po kasing naroon ako sa unang araw niya sa office."

"Ang batang iyon talaga, alam naman niyang pagod ka mula sa seminar, wala naman siyang binanggit sa akin kaninang umalis siya na pinapapasok ka pala niya. Ang aga pa naman niyang umalis,wala pang alas siyete."

"Sige ma, alis na po ako, malelate na po ako" hinalikan niya sa pisngi ang matanda.

"Bat hindi ka muna magbreakfast iha, hayaan mo ngang maghintay ang lalakeng iyon" pahabol na sabi nito.

"Sa office na lang po ako kakain ma" sumakay na siya sa kotse.

Halos paliparin niya ang kotse. Probinsiya iyon kaya walang traffic. And ang normal na travel time mula sa mansion papuntang opisina ay beinte minutos lang. But it's already ten minutes before eight kaya may sampung minuto na lamang siya! Kaya naman pinasibad niya ang sasakyan, tila siya race car driver na panay overtake sa mga nakakasabay sa daan. Hindi niya alam kung overspeeding na siya, hindi na siya magugulat kung may haharang sa kanyang highway patrol at tiketan siya ng overspeeding sa bilis niya.

Pero kahit anong bilis niya ay nalate pa rin siya. It was fifteen minutes past eight nang ipark niya ang kotse sa parking area ng Zaragosa Hotel. At mula parking papuntang lobby para sumakay ng elevator papuntang twenty seventh floor kung saan naroon ang office of the president at ang buong corporate office ay gugugol pa ng lampas limang minuto.

Humihingal hingal pa siya nang lumabas ng elevator at pinagpawisan na rin siya dahil tinakbo niya mula parking hanggang elevator. Ang ilan sa mga kaopisina nilang kalalakihan na nakakasalubong niya habang papunta sa private office niya ay hindi napigilang lingunin ng humahangang tingin ang dalaga. Nginingitian naman niya ang mga ito.

Si Ricardo na pabalik na sa opisina nito na nasa kabilang wing ay napalatak ng makita siya. Sumipol pa ito habang tumatawa.

"Heavens Carmina, balak mo bang gawing tuliro maghapon ang isipan ng mga kalalakihan dito sa ayos mong yan? Hinagod siya nito ng humahangang tingin.

"Hay naku Ricardo tigilan mo ako, dati naman akong nagsusuot ng ganito" tumatawang sabi na rin niya.

"But Carmina, you're drop dead gorgeous today! With that, wet hair look and bloody red lipstick and not to mention those long beautiful flawless legs, you're turning me on honey!" pilyong biro nito.

Walang Ibang IkawWhere stories live. Discover now