Chapter Four

109 2 0
                                    

HABANG lumilipas ang mga araw, buwan at taon ay lalong lumalim ang pagtingin ni Carmina kay Jamir. Though lihim na lihim nga lamang. Subalit tulad sa isang nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Sa mansion ay tulad sa isang tunay na kapamilya ang turing ng pamilya Zaragosa sa kanya. Kahit ang pilyo at malokong si Justine, sa kabila ng mga kalokohan nito kung minsan sa kanya ay mabait sa kanya at ito ang mas naging close sa kanya kumpara kay Jamir. Dahil siguro dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya kaya mas naging magkasundo sila.

Iisang school lang din ang pinapasukan nila ni Justine, ngayon ay graduating na siya ng highschool samantalang ito ay nasa second year college na sa kursong Business Management. At dahil iisang school lang sila, madalas ay kasabay niya itong pumasok sa school kapag nagtutugma ang mga schedule nila, gayundin sa pag uwi. Si Jamir naman pagkagraduate ng college ay may dalawang taon ng nagtatrabaho bilang General Manager ng Zaragosa Hotel and Resort.

Maraming beses din niyang sinikap na maging close kay Jamir, subalit iyon ay ipinakahulugan nito bilang isang paglalambing ng isang kapatid. At ang isa pang ikinasasakit ng loob niya ay may girlfriend na ito na bukod sa maganda at mayaman, ay nakikita niyang mahal na mahal nito.

She could still remember her pain ng dalhin ni Jamir sa mansion ang babae at ipakilalang girlfriend nito. Muntik na niyang naipagkanulo ang damdamin kay Jamir, kundi dahil kay Justine na maagap siyang nasalo sa uncompromising na sitwasyon na iyon.

Nataon pa iyon sa anniversary ng mag asawang Zaragosa. Ginanap iyon sa malawak na lawn ng mansion. Excited siya dahil sigurado siya na may sayawan sa party mamaya at kahit anong mangyari ay gusto niyang makasayaw si Jamir. May tatlong taon na rin siyang nasa poder ng mga Zaragosa at araw araw siyang nagpapasalamat sa Diyos at nagkaroon siya ng pangalawang pamilya na higit pa sa anak at kapamilya ang turing sa kanya.

Suot ang party dress na pinili ni Dona Marita para sa kanya at pinaayusan siya sa isang make up artist, lumutang ang ganda ng dalaga, sa edad na sixteen ay dalagang dalaga na siya kung kumilos, iyon ay para makasabay siya sa mga babaeng napapaugnay kay Jamir.

Wala naman itong ipinakikilala pang girlfriend sa mama at papa nito kaya alam niya wala pa itong girlfriend, though kapag napapadalaw siya sa hotel kasama ng mag asawang Zaragosa, ay hindi miminsang nakikita niyang may kasama itong magagandang babae. At may kirot na hatid sa batang puso niya kapag nakikita niya itong may kasamang babae.

Pero sinasabi na lang niya sa sarili na natural lang na maging lapitin ito ng mga babae dahil bukod sa mayaman ay guwapo pa. At hanggat wala itong nagiging girlfriend ay malaki ang tsansa niya. Mga two years pa siguro, kapag eighteen na siya ay baka puwede na niyang iparamdam dito ang damdamin niya.

"Whoa, ikaw ba yan Carmina!?" nalingunan niya si Justine na pilyong nakangisi.

Umikot pa ito sa harapan niya para mapagmasdan siyang mabuti. Hinagod siya nito ng humahangang tingin.

"Wow, nagmukha kang tao Carmina!" lalong lumapad ang ngisi nito.

"Tse! Tigilan mo nga ako Justine, kung mambubuwisit ka lang ay layu layuan mo ako!" ang naiiritang sabi niya.

"Ito naman hindi na mabiro! Dati ka ng maganda sweetheart at lalo ka pang gumanda ngayong gabi" his brown eyes twinkling in amusement and admiration at her. At pagkatapos ay tumatawang inakbayan siya nito.

Napatingin siya sa binata. This was a first na sabihan siya nitong maganda siya. Lagi na ay puro pambubuwisit lang ang mga ginagawa nito sa kanya. And somehow may sayang dulot sa kanya ang sinabi nitong iyon.

At bakit ba siya tila may kabog na nararamdaman sa dibdib sa pagkakalapit na iyon ni Justine sa kanya? Nakaakbay ito sa kanya at napakalapit ng guwapong mukha nito sa kanya. And tonight Justine wearing this formal attire, made him even more good looking. Ipinilig niya ang ulo. Talaga namang guwapo ito, marami nga sa mga kaklase niya at ibang mga highschool and college girls ang may crush dito, pero hindi siya kabilang doon. Si Jamir lang ang guwapo para sa kanya. Sukat sa naisip ay bigla niyang tinanggal ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.

Walang Ibang IkawWhere stories live. Discover now