02: Nabihag

Mulai dari awal
                                    

"No..." mabilis na sagot ni Ben. "Do what makes you happy."

Itchie nodded. "I agree with Ben."

Ngumuso ako dahil sa narinig na pagsang-ayon nila.

"Akala ko ay tutol talaga kayo, eh."

"Binibiro ka lang namin," ani Itchie. "Bakit kami tututol kung ito ang unang beses na nagbanggit ka ng isang lalaki na bukal sa loob mong kilalanin?"

"Itchie's right. Sa ilang taon nating pagkakaibigan. Ito ang unang beses na nakita kitang magkainteres sa isang lalaki romantically."

"Oo, saka pangalan lang naman, eh," ani ko kay Ben. "Baka naman kasi 'pag nalaman ko ang pangalan niya ay makuntento na ako."

I would be so happy to know even just his name...

"Kahit hindi lang pangalan niya ang alamin mo. Susuportahan ka namin basta masaya ka. Huwag ka lang magha-habol sa kaniya dahil ako ang ba-batok sa 'yo 'pag ginawa mo 'yan," ani Itchie gamit ang seryosong tono.

Tumawa ako. Pangalan lang naman kasi, eh. Well, sa ngayon? Basta ang alam ko lang ay gusto ko pa ulit siyang makita...

Nagkuwentuhan pa kami hanggang sa inantok na rin si Ben at umalis na sa condo namin ni Itchie.

The night quickly passed. My free days ended in a blink. Hindi ko namalayan ay may pasok na ulit ako sa araw na 'to...

"Bakit parang hindi ko ramdam ang ilang araw kong pagpapahinga? Pumikit lang yata ako saglit, eh."

Umirap ako sa kawalan. Inaantok pa ako at gusto ko pang bumalik sa kama. Kaya lang ay may exam kami ngayon. Kababalik ko pa lang pero may exam na agad.

"Buti ka pa nga nakapagpahinga ka, eh. Kami ni Ben mukha nang zombie," Itchie said.

Nakakapit siya sa braso ko habang naglalakad kami sa corridor ng college building namin. Hindi namin kasabay pumasok si Ben dahil may gagawin pa raw siya sa library. Malamang ay papunta na rin 'yon sa room ngayon dahil malapit na ang unang klase.

"Hindi ko rin naman nasulit kasi nag-re-review din ako."

Hindi ko naman nasunod ang sinabing pagsulit sa binigay sa aking pahinga dahil tuwing gabi ay sinasabayan ko silang mag-review. Alam ko na ngang bagsakin ako, tapos hindi pa ako mag-aaral. Isang sem na lang pero baka hindi pa ako tuluyang maka-graduate dahil lang hindi ako nag-aral.

"Sus! Review-review pa, babagsak din naman!"

Malakas akong tumawa dahil sa sinabi ni Itchie. Purong katotohanan lang naman kasi 'yon. Parang kahit anong review ay babagsak pa rin talaga.

Rinig na rinig ang malakas kong tawa sa corridor. Kahit maingay ang ibang mga estudyante ay nangibabaw pa rin ang akin. Pero mabilis lang din akong napatigil dahil may nasalubong akong isang pamilyar na lalaki.

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa biglang pagtigil. I froze in an instant.

"Huy! Ayos ka lang? Sige, tawa pa more!" natatawang sabi sa akin ni Itchie habang malumanay na hinihimas ang aking likod.

"OMG!" I exclaimed breathlessly.

"By NewJeans?" pagbibiro ni Itchie.

Hindi ko ito pinansin at mabilis na pumihit patalikod. Baka mawala pa ulit siya sa paningin ko kung hindi ko mahahabol agad!

"Mauna ka na sa room, Itchie! Susunod agad ako," sabi ko habang naglalakad nang mabilis palayo kay Itchie.

"What? Baka ma-late ka ah! Lagot ka kay Prof. Centenno!"

Entry #10Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang