Nag-init ang mukha ko.

"Coincidence lang s-siguro..."

"Kiber lang, bakla." Lumapit siya sa 'kin para bumulong. "Malaki ba baston ni ser?"

Mabuti na lang at hindi na ako ginisa ni Angelita dahil tinawag siya ni Manang Lolita. Naalala kong siya ang nagsabi sa 'kin na may asawa't anak na si Nazareth. That was the reason of my sleepness nights before. Hindi ko na lamang siya sinabihan tungkol doon dahil hindi naman niya kasalanan. Baka iyon lang akala ni Angelita dahil nga hindi sila madalas kausapin ni Nazareth. Maliban na lang kung may inuutos ito.

"Pumunta ka na roon, 'te. Nasa dining room si ser," aniya bago umalis.

Huminga ako nang malalim. He's still my boss, so I need to follow his commands. Sumilip ako sa salamin. I looked boring. Kaya naman nag-tali ako ng buhok. Naglagay din ako ng kaunting blush-on at lipstick.

Teka, why am I doing this?

Bahala na nga!

Habang papalapit sa dining room ay siya namang bilis ng tibok ng puso ko. I didn't know why I was feeling this way. Bawat tapak ko ay siya namang panghihina ng aking tuhod. I cleared my throat.

Nakita ko na ang kaniyang malapad na likod. He was already sitting. Nang maramdaman ang presensya ko ay lumingon siya. Nagtama ang mga naming dalawa. His lips twitched, which made my heart sank deeper. Minuwestra niya ang upuan sa tabi nya.

My brows furrowed. Nang tuluyang makalapit ay nakita ko ang maraming pagkain sa hapag.

"Sit beside me."

Kumurap ako.

Ilang beses.

"W-why?"

"It's dinner," he stated the obvious. "Sasabay ka sa 'kin kumain."

Agad akong tumutol. Ano na lang ang sasabihin ni Angelita at ni Manang Lolita kapag nakita nilang kumakain ako kasama ang amo namin? Nakakahiya!

"Nazareth, hindi pwede." Tinaasan niya ako ng kilay. "Katulong mo lang ako."

Umangat ang gilid ng labi niya. He put his left knuckle on his left cheek, and amusement was visible to his eyes while watching me.

"Oo nga, nilinaw ko na kagabi iyon," aniya gamit ang mapanuyang tono.

Agad akong namula nang maalala ang ibig niyang sabihin. I glared at him. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko! Damn him!

"Hindi 'yon!" asar na sambit ko. "I'm your maid, Nazareth."

"Bawal ba ako kumain kasama ang maid ko?" he asked.

Umiling ako. "Bawal."

"E, ang mapapangasawa?" Ngumisi siya. "Bawal din?"

My eyes widened. Malakas na tumambol ang puso ko dahil doon. I bit the insides of my cheeks to stifle my smile. Umirap ako kunwari para hindi mapansin at padabog na pumunta sa malayong parte ng lamesa, malayo sa kaniya.

"Fine! But I won't sit beside you!" pinal na sagot ko.

Hindi na siya umangal. Nagsimula na kaming kumain. Panay ang sulyap niya sa 'kin kaya bahagya akong naiilang. Nang mahuli ko siyang nakatingin sa 'kin ay nag-iwas ako nang tingin.

"You're so far, love," reklamo niya. Ngumuso siya.

Hindi ko siya pinansin.

Hanggang sa matapos na kaming dalawa kumain. Nauna siya pero hinintay niya muna ako. Pinunasan niya ang labi niya gamit ang malambot na puting tela. Kaya bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi dahil doon.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon