Chapter 46

188K 15.7K 10.4K
                                    

Yumuko ako as a sign of respect, then I proceeded to what was my purpose there. Tinapon ko ang basura sa labas ng gate. Hindi ko man aminin pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I was the one who insisted that. I cut him off.

Ginawa ko lang naman 'yon, inunahan ko siya, para kahit papaano ay hindi na ako masaktan. Pero mas masakit pala kapag sa mismong bibig niya na nanggaling.

Katulong ko lang.

I inhaled a large amount of air. Napansin ata ng guard ang inakto ko kaya tinanong ako kung ayos lang ba raw ako. I said I was okay.

I guess.

Inayos ko ang sarili bago pumasok na sa loob. Nang madaanan ko ang front yard ay wala na sila Nazareth doon kasama ang magandang babae. Siguro pumasok na sila sa kwarto niya.

Napapikit ako dahil sa naisip.

Maybe he was already fucking her inside his room? What positions, Nazareth? 69? Helicopter?

Agad kong tinapik ang noo ko dahil sa naisip na kahalayan. So what if he was with another woman? He's already an adult! A grown-up man! He could do everything that he wanted—pakialam ko. Gumawa pa sila ng milagro sa kusina at wala akong pakialam.

Nabungaran ko si Angelita na panay ang silip sa dining room. Nagtataka ako kaya sumilip din ako.

And there.

The gorgeous woman was laughing with Nazareth. Kasalukuyan na silang kumakain. Manang Lolita was the one serving them. Napatitig ako sa mukha ni Nazareth. He looked pleased and genuine with that woman. Because of that, I felt a sudden stung right in my chest.

"Nandiyan ka pala, sismars," ani Angelita. "Ganda ng asawa ni ser 'no? Si Ma'am Eunice."

Naagaw niya ang atensyon ko dahil doon. "A-Asawa niya?"

"Yes, 'te. Ay oo nga pala, ngayon mo lang pala siya nakita."

Bumalik ulit ang tingin ko sa dalawa. Parang dinudurog ang puso ko habang pinapanood siyang masaya sa iba. Nalaman ko naman na nung una. Pero masakit pa rin pala kapag nakita mo na sa harap-harapan mo.

Napaiwas ako nang tingin nang marahang hinaplos ng tinawag na Eunice ni Angelita ang braso ni Nazareth. She leaned forward, and Nazareth whispered something to her. Nakaramdam ako ng inis.

Bakit kailangan nilang magbulungan?! Kami-kami lang naman ang tao rito!

"Ay bakla, ayos ka lang?" untag ni Angelita. "Ang sakit na kasi ng kapit mo sa anit ko. Baka gusto mong tanggalin?"

Kumurap ako at tinanggal ang kamay ko na hindi ko napansing nakasabunot na pala kay Angelita. Napatigalgal pa ako nang may maiwan pang mga buhok sa kamay ko.

"S-sorry..."

"Okay ka lang ba talaga, mars?" tanong niya. "Para kang papatay ng puta sa tindi ng sabunot mo sa 'kin, eh."

Nanliit ang mata ni Ange kaya ngumiti na lamang ako ng pilit. Muli kong nilingon sila Nazareth sa dining room. They were still talking and laughing about a certain topic. Mas sumilab ang apoy ng pagkainis sa loob ko.

I was about to turn my back and excluded myself from them when a little girl went down from the stairs. Iyon ang batang may birthday kahapon. Pupungas-pungas pa ito, halatang kakagising lang. The child looked exactly like her mother.

I just couldn't point out where was her similarity with Nazareth. Mariin ang titig ko sa bata hanggang sa lingunin ito ng dalawang tao sa hapag.

"My baby is already awake," Eunice announced.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon