Kalihim

56 3 0
                                    

Kalihim

Kalihim-isa sa mga maytungkulin
Katuwang ng pamamahala sa mga gampanin
Sa pagsamba natungo ng maaga rin
Kadalasang ginagabi pang may opisinang gampanin

Subok na sila sa mga pagtitiis
Suliranin, at paghihinagpis
Pero di makikita sa kanilang bihis
Ikaw na kapatid ang ngingitian pa ng pagkatamis-tamis

Katuwang sila sa pagpapalaganap
Ng mga salita ng Diyos na ang tao'y dapat hinahanap
Para sa nalalapit na hinaharap
Matatamo natin at nila ang kaligtasang inaasam

Kaya sa lahat ng mga kalihim
Maraming salamat sa inyong pag-ibig
Na naririto sa tula at sa guhit ng isang kapatid
Mabuhay po kayong lalong higit!

My PoemsWhere stories live. Discover now