Tulang Para Sa Mga Manunula

64 4 2
                                    

Tulang Para Sa Mga Manunula

Ang mga manunula ay nakakaramdam din ng kapaguran
Kapag ang tula ay balewala sa pinaghinandugan
Kaya ang tula na laan ay may hangganan
Hanggang ang manunula ay hindi na kinayanan

Mga manunula ay magkaroon ng katapat
Isang tula na sa kanila ay inilalapat
Nais rin ng mga manunulat
Na maranasan ang tula sa kanila ay karapat-dapat

Tulang laan para sa kanila lamang
Para hindi na sila gumawa ng tulang hibang
Sila'y magbabasa ng tulang may pakinabang
Upang ang durog na puso ay masiyahan

Sa tulang iyon sila naman ang simulain
Isang linyang handog sa kanila at isipin
Tulang sa sugatang puso ay papagalingin
Manunulang minsan lamang nila hiniling

Nais din nila ng tula ng pag-ibig
Na sa kanila ay mapapakabig
Sawa na sa paggawa ng tulang hindi iniibig
Panahon na sana ay manunula may kilig

Tulang hindi sila babalewalain
Kapag sa kanila ay tangkain
Kahit pangit sa simulain
Sila ay mabibighani pa rin

Nakakalungkot na ngayong panahon
Walang tulang para sa manunula nakatuon
Pulos sila ang nagawa ng tula na parang inireregalo sa kahon
Walang manliligaw ang tumutula ngayon

Kokonti na lang ang mga manunulat
Nagpapahalaga sa tula na dapat rin ay isinisiwalat
Mas pinipili na lang ng mga pinaghahandugan na hindi maging tapat
Sa halip na ang tulang handog ay sasapat

              YongRine | YR

Photo source:
Reeves, Christina., Healing The Wounds of the Heart,  https://themindisthemap.com/healing-the-wounds-of-the-heart, February 26, 2019

My PoemsWhere stories live. Discover now