Kabanata 32

211 8 0
                                    

Kabanata 32

Rumors

My day started just fine. Maaga akong pumasok sa opisina kahit tutol parin si Seven. I just can't rest. Marami ang dapat kong gawin bilang isang CEO ng De Jesus Scapes.

Hinatid ako ng maaga ni Seven bago siya dumiretso sa opisina niya. He can't just let me work all day! Sinabi niyang half day lang ako at susunduin na niya ako bago mag tanghalian!

I told him that I need to work all day dahil madami ang pending appointments at mga na reschedule na meetings. Pumayag rin siya kalaunan. Well, he cant resist me.

"How's the project going?" tanong ko kay Pin habang papunta kami sa opisina ko.

"It's doing really good, miss." sagot niya.

Binuksan ko ang pinto ng opisina at pumasok. "I'll go there after my last appointment this afternoon."

Tumango naman siya. "Sure miss. By the way, miss. Some medias just come here earlier. Mabuti na lang ay mayroong mga body guard at pinaalis sila."

Umupo ako. Kumunot ang noo ko na tumingin sa kaniya. "Medias? Body guards?"

"Yes, miss. Men in black po. I'm thinking that you hired them para paalisin ang mga medias na hindi nakapunta kahapon."

"Alright. You can go now." sabi ko.

Umalis naman siya. Sumandal ako sa upuan at napaisip. I didn't hire body guards! Paano nagkaroon ng.... Maybe, Seven has something to do about this.

Kinuha ko ang cellphone at mabilis na nag tipa ng mensahe.

Ako:
You hired body guards?

After a minutes, I got a call from Seven.

"You hired body guards?" agad na tanong ko.

"Yes. It's for your protection. Medias are all over." sagot niya sa malalim na boses.

Napatango ako. "Thank you. Pero hindi mo naman kailangang mag hire ng madaming body guards."

I heard him sigh. "It's for your protection. They might come to your way. Ayokong malaman na nasaktan ka."

I bit my lower lip. Such a possessive man. Napailing ako. "Fine. As long as, I won't see them. Tell them that keep a distance from me."

He chuckled. "Alright. Anything else?"

Ngumuso ako. "W-Wala na! Bye!"

Mabilis kong pinutol ang tawag. Nanatili akong nakanguso habang binabasa ang iilang proposal.

Exactly 3 pm ay lumabas na ako para sa last meeting. Meeting with the investors. Umabot rin iyun ng isang oras bago natapos.

"This is the last meeting, miss. Diretso na po ba tayo sa site?"

Umiling ako. "Opisina muna tayo. I'll wait Seven there."

Napangiti naman siya at sumabay na sa akin sa paglalakad. "Bagay talaga kayo ni engineer, miss. May chemistry!"

Napailing ako at pinigilan ang pag ngiti. Pumasok kami sa lift at hinitay iyun na bumukas sa top floor sa opisina ko.

"Nga pala, miss. I already clear your schedule for the next weeks." imporma niya.

Napatango ako at lumabas sa lift. Next week ay pupunta kami sa resort nila Kuya Kwell dahil sa ikalawang linggo ay kasal na niya. Maybe, he wants to hang out with us before letting himself tied up.

"Ako na lang ang pupunta sa site." sabi ko bago pumasok sa opisina.

Napatingin ako sa magazine sa ibabaw ng mesa ko. Hindi ko ito napansin kanina. I put my bag on the table before reading the magazine.

Between The Rules Of Fate✔️ (Fate Series #1)(Completed)Where stories live. Discover now