Kabanata 8

205 28 0
                                    

Kabanata 8:

Jealous

Hindi na ako bumaba at hinintay na lang silang magsipasukan sa sasakyan. Nasa likod si Ash at Dan habang nag uusap tungkol sa gagawin nila mamaya sa laban.

"Tss. They're weaklings. We can defeat them, you know." mayabang na wika ni Dan.

"Of course! We're De Jesus. No one can defeat us." ngisi ni Ash.

I rolled my eyes. Ang yayabang! Hindi man lang magpaka humble.

"By the way, Lia. You don't have any paper work? Or school works?" tanong ni Dan.

"Wala," sagot ko.

Tumawa naman silang dalawa. Tahimik naman si John na nag dadrive.

"That's good!" halakhak niya. "We have water girl."

Inikutan ko siya ng mata. Gusto ko sanang sumagot ng 'lagi naman' pero mas pinili ko na lang tumahimik.

Nagpatuloy lang silang tatlo sa pag uusap hanggang sa makarating kami sa basketball court ng village.

It's not that far from the DJB pero dahil papansin ang mga pinsan ko at gusto palaging agaw pansin ay nagsasakyan pa papunta dito. Bumaba kaming tatlo. Nahuhuli ako at si John.

"Lia," lumingon ako kay John.

"What?" kunot noo kong tanong. Iritado parin. Pero nang makita ang pagsisisi niya ay gumaan ang nararamdaman ko.

"I'm sorry about earlier," aniya at ginulo ang buhok ko.

Ngumiti ako sa kaniya. "It's fine,"

Marami na ang tao sa court. Ang ibang tao ay napapatingin narin sa akin dahil sa mga kasama ko.

Masasama naman ang tingin na nakukuha ko galing sa ibang babae na hindi naman ata alam na pinsan ako ng De Jesus brothers.

"Sa bleachers ka na, water girl." asar nilang tatlo sa akin at ibinigay ang bag nilang tatlo.

Sinimangutan ko lang sila at nagmartsa na patungo sa bleachers. What a cousins! Ang bibigat kaya ng bag nila.

Umupo ako sa bleachers ng team nila kaya napatingin ang ibang tao sa akin. Whatever.

"She's from Ateneo?" rinig kong bulong ng ibang babae sa kanan ko.

Napatingin tuloy ako sa aking suot. Napa facepalm na lang ako. Fudge! I didn't change my uniform!

"And why is she there? Girlfriend niya ba ang isa sa De Jesus brothers?" rinig ko pang tanong.

Umikot ang mata ko. Girls, tsk. I scanned the whole court. Marami ang tao ngayon dahil maglalaro ang mga magagaling dito sa village.

Nakita kong ngumisi at nanunudyong tumingin si Ash sa kabilang team.

Binalik ko ang tingin sa team ng mga pinsan ko, pansin ko na nakakunot ang coach nila habang kausap si John. I checked their members.

Seven is not here yet! Luminga-linga si John habang nakapamaywang at agad na nagliwanag ang mukha.

I also look at the entrance. Naroon si Seven na naka jersey na. Nakarinig ako ng tilian kaya nabaling ang atensyon ko roon. Students ng XU, mayroong dalang banner para sa team.

"OMG si Seven!" sigaw noong isa na may hawak na banner.

Tumingin ako kay Seven na nakalapit na sa team nila. Ginulo niya kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Nakaawang rin ng kaunti ang mga labi nito.

Between The Rules Of Fate✔️ (Fate Series #1)(Completed)Where stories live. Discover now