Kabanata 13

169 14 0
                                    

Kabanata 13:

Happy

The second semester went well. Ganoon rin ang relasyon namin ni Seven. Kagaya ng nakagawian, lagi niya akong hinahatid-sundo, eat dinner or stroll around the mall. Kung matatawag bang stroll ang pag bili ng mga bagay na nakikita at napupuna ko.

Tito Rio recovered from the shot he got. My cousins went back to their own place dahil dumating narin naman sila mommy.

"What's your plan this break, Lia?" si Brent.

I shrugged my shoulder. "I don't know. Wala pang plano sila Dan."

"Pupunta kaming Batangas ngayong break. That's our plan." si Yumi.

Tumawa naman si Brent. "I thought, out of the country kayo?"

Umiling lang si Yumi at ngumisi. Uminom ako ng frappe sa harap ko. Malapit na ang semestral break. Next week na iyon.

Wala pang plano ang mga pinsan ko pero alam kong either outing or buong break ay nasa bahay lang nila kami sa Makati.

Noong isang taon ay pumunta kami sa Caramoan. Kami lang naman na magpipinsan at sumama rin si Yumi at ang kapatid niya.

"Sus, Lia! Baka ay dito ka lang dahil nariyan si Seven!" halakhak ni Yumi.

Ngumisi ako at napailing. Napatingin ako kay Brent na tahimik lang at nakikinig sa mga sinasabi ni Yumi. Ngumiti ako nang magawi ang tingin niya sa akin. He smiled back.

Napatingin ako sa cellphone ko. Umilaw kasi ito.

Seven:
What are you doing?

Ako:
Just chatting with Yumi. How about you?

Hindi ko na sinabi na kasama ko si Brent dahil alam kong magagalit lang iyon. Kagaya noong nakaraang linggo. He look pissed because I'm with Brent when he fetch me.

Seven:
Doing some report for tomorrow.

Ako:
Alright. I'll text you later. Just finish your report. Sasabay na lang ako kay Yumi.

Seven:
No. I'll send you home. Wait for me.

Ngumuso ako.

Ako:
Hindi na. You're busy, Seven. I can come with Yumi and we're going to shop.

Seven:
Then I will come with you. Just wait for me. I'm already done.

Huminga ako ng malalim.

Ako:
Fine. I'll wait you here.

Seven:
Alright, then.

Napailing akong ibinaba ang cellphone sa mesa. Nangingiti akong nag angat ng tingin. Si Yumi ay nakangisi habang nakatingin sa akin at si Brent naman ay mukhang badtrip.

"Ows. Seven will fetch you? Nothing's new." ngisi niya at inikutan pa ako ng mata.

Natawa ako. "Hihintayin ko na lang siya rito. I'm sorry, I can't go with you tonight. "

"Lia, this is our time. Can you give this for us? " malamig na wika ni Brent na nagpagulat sa akin.

"Brent... "

Huminga siya ng malalim at umiling. "Minsan ka na nga lang makasama sa amin. Nevermind. Mauna na ako." aniya at tumayo.

"Brent.." pigil ko pero hindi na siya lumingon pa.

Napatingin ako kay Yumi na nagkibit lang ng balikat. Huminga ako ng malalim at napasulyap sa dinaanan ni Brent.

"I think he's just upset" ani Yumi at ngumuso. "Don't worry. Hindi lang kasi iyon sanay na wala ka kapag get together ng barkada."

Between The Rules Of Fate✔️ (Fate Series #1)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon