Kabanata 2

265 29 17
                                    

Kabanata 2:

Small world

A new day came pero hanggang ngayon hindi parin matanggal sa isip ko ang mga nangyari kahapon at wala akong plano na kalimutan iyon.

Kagabi ay halos hindi ako makatulog sa kakaisip! His face, thick eyebrows, pointed nose, perfect jawline and his eyes! God! Para siyang hindi totoo!

Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog at pagkagising ko naman kanina ay halos late na ako. Mabuti na lang ay may meeting ang mga teachers kanina.

Hindi naman ako late pero iyon ang first time na mangyari ang ganoon sa akin. Kaya panay ang asar nila kanina.

Mabuti na nga lang ay ang sumunod na subject namin kanina medyo late. I have time to fix my hair dahil hindi man lang ako nakapag suklay dahil sa kakamadali!

"You're late! Mabuti na lang ay wala tayong first subject kanina!" Yumi scolded me.

Napanguso ako habang inaayos ang iilang libro sa desk ko. "Late na kasi akong nagising. May tinapos pa kasi ako kagabi." pagdadahilan ko.

Tumaas ang kilay niya. Halatang hindi naniniwala. "No way! Sa pagkakatanda ko wala naman tayong school works!" then she smirk. "Don't tell me....."

I look at her and raise my eyebrow. "Ano? Ano nanaman 'yan?"

Tumawa siya at napailing na napatangin sa akin. "Oh my, Lia! I told you to stop thinking! Hindi ka nakatulog dahil buong gabi mong inisip ang nangyari!" She concluded.

"Ha? Hindi, ah! May tinapos nga lang ako!"

"Hindi ako naniniwala! Lia De Jesus, you're actually late cuz you can't stop thinking about yesterday! Ikaw, ah! Crush mo talaga si Seven, ano?"

Lumubo ang pisngi ko. I can feel my cheek heated up! Argh! I really hate how Yumi think!

Napaiwas ako ng tingin. "Shut it, Yums. Baka may makarinig sa'yo!"

Humagalpak siya ng tawa habang dinuduro pa ako. "You're blushing! OMG! I should've take a photo!"

Mabilis ko siyang nahampas sa braso nang akto niyang kukunin ang camera sa bag niya. Tumawa lang siya at patuloy akong inasar.

Mabuti na lang ay mabilis na natapos ang subject namin dahil natigil na rin sa kakaasar si Yumi.

Tumayo ako at kinuha ang bag habang hinihintay si Yumi na maayos ang gamit niya.

"Where should we eat?" lingon niya sa akin.

I shrugged my shoulder. "I don't know. Ikaw ang bahala."

Lumapit siya sa akin. "Sa labas tayo? Umay na ako ng pagkain sa canteen." then she rolled her eyes.

Natawa naman ako at sabay kaming lumabas ng classroom. Some of the students are busy running around with their reviewers.

Ang iilan ay chill lang na naglalakad at nagtatawanan.

"Lia!" si Brent na papunta sa gawi namin.

Ang bag ay nakasabit lang sa kaliwang balikat.

Kumaway naman ako at ngumiti. "Bakit?" tanong ko nang makalapit na.

He showed his boyish smile. "Hi, Yumi." He greeted Yumi before glancing at me. "Lunch na kayo? Let's eat lunch together?"

"Oh, sure!" si Yumi at tumingin sa akin. "Libre niya!" tinuro niya pa si Brent.

Natawa naman ako at napailing. "Your treat?"

Between The Rules Of Fate✔️ (Fate Series #1)(Completed)Where stories live. Discover now