Chapter 16

25.2K 880 183
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 16

Matagal siyang nakayakap kay Hannah nang lapatan niyang muli ng halik ang balikat nito.

“Thomas.” Sa tinig nito ay may halong pagbabanta.

“I want to kiss you again. I even want to make love to you.”

“You’re really something, Thomas Isaac.” Sagot nito at tangkang hihiwalay na sa pagkakayakap sa kanya pero hinigpitan niya lalo ang hawak dito. Makailang saglit ay nagbago ang isip niya. Isinampa na lamang niya ito sa ibabaw ng kitchen counter. Rinig niya ang pagsinghap nito pero tumitig lang siya sa mukha nito.

“Don’t worry, honey. Wala akong gagawin ngayong gabi dahil alam kong pagod ka na rin, at hindi naman ako nagmamadali.” Saad niya at yumakap lang ulit sa bewang nito.

She sighed.

"Oh, Thomas. You're still a pain in the ass sometimes."

Napangiti naman siya sa sinabi nito.

She patted his back again and combed his hair with her fingers.

“Doon na tayo sa living room.” Sabi ni Hannah sa kanya. Bumaba ito sa may counter pero habang naglalakad sila ay hindi siya bumitaw ng yakap dito kahit pa ba nahihirapan silang pareho na maglakad. Para siyang sira na nakakapit dito pero wala siyang pakialam lalo pa at silang dalawa lamang naman ang nakaalam. Hinampas ni Hannah ang braso niya pero ayos lang iyon.

Naupo sila sa sofa at nanatili pa rin siyang nakayakap dito.

“Bumitaw ka na muna at manuod tayo ng TV. Nawala ang antok ko dahil sa’yo.” Saad ni Hannah. Sumunod siya at binuksan ang TV.

Nanuod sila ng isang history based na series. Naka slouch siya sa sofa at nakasandal sa balikat ni Hannah. Hinahayaan naman siya nito dahil sa palagay niya ay iniisip nitong may pinagdadaanan siya.

Nakatapos sila ng dalawang episode at ang huling tingin niya sa orasan ay alas quatro ng umaga.

-

Nang magmulat siya ng mga mata ay napangiti na lang siya. Sa harap niya ay naroon si Hannah. Nakaunan ito sa braso niya at nakasandal din sa dibdib niya. Ang isang binti nito ay nakadantay sa hita niya habang ang isang kamay niya ay nakapaikot din sa katawan nito.

Mukhang nakatulog na silang dalawa sa sofa habang nanunuod ng TV nang hindi nila namamalayan.

She moved pero nanatiling nakapikit. Hinaplos niya ang pisngi ni Hannah at hinalikan ang noo nito.

“Hmm.” Ungot nito. “Thomas …”

“Good morning, my love.” Saad niya at dinampian ng halik ang mga labi nito. Nagulat pa siya nang suklian ni Hannah ang halik niya pero sandali lamang iyon dahil ipinagpatuloy na lamang niya ang paghalik dito.

Nang umangat ang kamay ni Hannah sa batok at buhok niya ay bumaba naman ang sa kanya papunta sa pang upo nito.

Lumalim ang pinagsasaluhan nilang halik at naririnig niya ang mumunting ungol mula kay Hannah. Bumaba naman muli ang mga kamay nito sa dibdib at braso niya para humaplos doon. Hinihila na rin nitong pahubad sa kanya ang suot niyang t-shirt.

He adjusted his position so he could remove his shirt faster. Then he went straight back to kissing her luscious lips.

Bumaba ang mga labi niya sa leeg ni Hannah habang pumaloob na rin sa palda nito ang kamay niya. Nagkaroon siya ng lakas ng loob dahil panay ang haplos ni Hannah sa katawan niya.

Bumalik ang mga labi niya sa labi ni Hannah makailang saglit, at muli silang nagpalitan ng maiinit na halik hanggang sa naramdaman na lamang niya ang malakas na pwersa mula rito, dahilan upang bumagsak siya sa sahig.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon