Chapter 8

26.6K 930 93
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 8

Nang dumating sila sa resort ay may staff na sumalubong sa kanila. His hand went to Hannah’s lower back immediately. He led her inside the building but he retreated when she looked at him questionably.

Tiklop na naman si Tom Mendez.

Dinala sila ng staff sa  maliit na cottage na kinuha niya para sa kay TJ at Hannah. Kung sakali man na antukin si TJ ay magiging komportable ito, at ganoon din si Hannah.

Tumatanaw ang cottage sa dagat, kaya’t pagpasok pa lamang nila doon ay bumungad na sa kanila ang pinaghalong kulay luntian at bughaw ng dagat. Ang anak niya, katulad ng inaasahan niya ay naglilikot sa braso niya at panay na ang pag papakita ng katuwaan nito.

“Want to play in the sand?” Tanong niya rito. TJ squealed louder that made him chuckle. “I’ll bring him there, okay lang ba?” Tanong niya kay Hannah.

“Sure. Be careful.” Sabi ni Hannah. Obvious na obvious ang excitement ni TJ. Naupo si Hannah sa beach chair habang lumakad siya palapit sa dagat.

-

“Your Ma is watching us, Cosmos. Smile for her.” Sabi niya sa anak habang hinahayaan niya itong maglaro ng buhangin. Mag ama silang nakaupo sa buhangin. He’s building sand castle while TJ is knocking them down. TJ giggles whenever.

“Hey Hot Mama, come over here!” Tawag niya kay Hannah at kita niya ang panlalaki ng mga mata nito sa kanya. Ngumisi siya rito habang patuloy sa paghagikhik si TJ.

Tumayo si Hannah mula sa upuan at nagsimulang lumapit sa kanila.

“She’s so beautiful, son. Your Mom is a total knockout.” Sabi niya kay TJ at tinawanan lamang siya ng anak.

“What did you call me?” Tanong ni Hannah sa kanya at humalukipkip ito sa harap niya.

“Nothing.” Sagot niya. “Hot Mama.” Ngumisi siya kay Hannah nang masabi iyon. Ang kasunod na ginawa nito ay ikinagulat niya. Naupo ito sa tabi niya at dumakot ng buhangin gamit ang kamay at ibinato iyon sa katawan niya.

Humagikhik naman si TJ, at ginaya nito ang ginawa ng ina. Dumakot din ito gamit ang munting kamay ng buhangin at isinaboy sa direksyon niya.

“You …” Sabi niya at tumitig kay Hannah.

“What?” Sagot ni Hannah habang kay TJ na nakatingin. Nagpapanggap na inosente sa ginawa.

They’re flirting. He grinned at her and pulled her leg to bury under the sand.

God, how he missed her skin, the feel of it under his touch.

She gasped and took a handful of sand again to throw at him. He’s still holding her leg at wala siyang planong bumitaw lalo pa at hindi naman iyon binabawi ni Hannah. They are definitely flirting. He knows that look in her eyes. She still likes it when he touch her. Hannah finally let out a giggle when he lightly squeeze her calf. It was quick and low but still a giggle.

Tumatawa parin si TJ. He’s squealing in delight as usual.

He buried Hannah’s leg further up at sinasamantala niya ang paghaplos sa binti nito.

“Thomas!” Sita nito sa kanya nang abutin niya ang isa pang binti nito at tabunan din ng buhangin. Ang sun dress nito ay puro buhangin na rin.

Muli siya nitong sinabuyan ng buhangin sa katawan. He’ll definitely need a shower later dahil ramdam niyang dumidikit sa balat niya ang ang buhangin.

“Pick him up, let’s bring him to the water.” Sabi ni Hannah at tumayo na ito. She’s smiling so he stood up and picked Jabril.

Ibinaba niya si Jabril sa gilid ng dagat. Habang hawak pa rin ito ay inilapat niya sa tubig ang mga paa nito. Jabril shrilled even louder. Kumakawag ang mga binti nito sa tubig.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon