Chapter 13

25K 794 94
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 13

Inihatid nila si Hannah sa mall, ayon sa sinabi nito ay mag papa-spa raw ito at mag s-shopping. Mamaya ay susunduin rin nila ito. Bago umuwi ay dumaan silang dalawa ni TJ sa supermarket para bumili ng lulutuin niya.

Naglatag siya ng picnic mat sa backyard at doon sila tumambay ni Jabril.

“So, how does it feel to be seven months old, Cosmos?”

Humagikhik lang si TJ sa kanya at kinuhanan niya ito ng videos at pictures at isinend ang mga iyon kay Hannah.

“Are you having fun today?” Tanong niya pa rito at muli itong tumawa. Damn, he loved this kind of day, mas okay sana kung narito rin si Hannah kasama nila pero ayos na rin na silang mag ama ang nag b-bonding.

Nang medyo mainit na sa labas ay pumasok na rin silang dalawa at nanuod ng Paw Patrol.

Makalipas lamang ang dalawang oras ay tumatawag na sa kanya si Hannah.

“Hey, how’s spa?”

“Hindi ako nagpuntang spa dahil marami silang client. Namili lang ako, pauwi na rin ako. Anong ginagawa niyo?” Gusto niya itong mga ganitong tanungan ni Hannah sa kanya. Napapangiti siya at sumasaya ang puso niya.

“Nanunuod lang kami ng TV. We’ll pick you up.”

“Okay lang ba? Naparami ang nabili ko.” Sabi nito, alam niyang nag aalinlangan ito at hindi madali na humingi ng tulong sa kanya.

“Oo naman, susunduin ka namin ni TJ.”

“Salamat.”

Madali silang gumayak na mag ama at pumunta kay Hannah.

-

Ang excited niyang anak ay hindi na tumigil ang binti sa pagkawag habang nasa baby carrier sa harap niya. Masaya na naman ang maliit na tao dahil nasa labas ito.

Nasa loob ng department store si Hannah ayon sa message nito sa kanya at doon sila nagpunta ni TJ. Namataan niya ito sa area kung saan naroon ang mga gamit pambata. 

“Hey.” Tawag niya at sumulpot sa likuran nito. “Bakit puro pang kay TJ itong binili mo?” Kunot noo na tanong niya habang nakatingin sa cart nito.

“Huh? I don’t need anything. Si TJ ang maraming kailangan.” Sagot nito. Hindi siya umimik, siya na lamang ang bibili para kay Hannah.

-

“What are these?” Tanong nito nang may iabot siya ritong paper bag.

“Just open it.”

Saglit siyang nagpaalam kay Hannah at nagsabing may titingnan lang siya. Kasama niya ang anak na nag hoard ng historical romance novels sa bookstore. Pero para hindi magalit si Hannah ay ibinili rin niya si Jabril ng mga librong angkop sa edad nito.

“Thomas, this is too much.”

“Relax, before you react they’re all on sale. Look, they're very cheap, so its fine, and I want you to read them all. I recognized some authors you love so please, have them.”

Tumingin sa kanya si Hannah at mataman siyang tinitigan.

“We’re friends gaya ng sabi mo, so consider the books a friendly gesture. I am grateful for your friendship kaya kita ibinili niyan.”

“Okay.” Sagot lang ni Hannah sa kanya at inilagay sa cart ang paper bag na may lamang mahigit sa sampung historical romance novels.

Nang lumakad si Hannah ay sumunod siya rito habang itinutulak ang cart. Pumunta ito sa men’s section. Bakit ito nasa men’s section? Kumabog ang dibdib niya pero hindi siya nagpahalata. Tumingala naman sa kanya si TJ habang tumatawa pa.

Counter PlayWhere stories live. Discover now