"Hello, hindi ka ba napapagod?" Tanong sa akin ni Elise. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin.
Tanging ngiti at iling lang ang tinugon ko sa kanyang tanong. Hindi pa naman ako pagod. Kaya ko pa namang magpatuloy. Halatang nayayamot na sa akin si Elise dahil wala nga raw akong kapaguran.
"Seriously, itigil mo na 'yan," inis niyang sambit.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago ko siya nilingon. "Okay lang ako," mahina kong wika.
Biglaan niyang tinabig ang braso ko kaya't napahiga talaga ako sa sahig. Sinamaan ko siya ng tingin. Masakit kaya 'yon sa boobs ko kahit hindi naman sila kalakihan.
"You've been planking for like two minutes now! Ako ang nahihirapan kapag tinitignan ka!" Reklamo niya.
May matinis na tawa mula sa kusina ng flat namin. Nanatili pa rin akong nakahilata sa sahig. Mahigit labinlimang minuto na ang lumipas mula noong magsimula kaming mag-workout ni Elise at gaya ng inaasahan ko, bumigay na agad siya sa loob ng limang minuto.
Lumabas si Maxine mula sa kusina na may dalang Nutella at dalawang kutsara. Agad na nandiri ako nang ma-imagine ko kung gaano katamis ang dala-dala niya. Inagaw ni Elise ang isang kutsara mula kay Maxine at sinaluhan siya sa pagpapak ng Nutella. My God. How can they do that? Hindi naman ako hater ng Nutella pero nakakaumay kapag sobrang dami na ng papapakin nila.
"Bakit ka ba nag-eexercise? Sexy ka na, girl," sabi ni Maxine.
"Si Elise ang nagsimula," tugon ko. Bumungisngis lang si Elise. "Siya naman ang unang bumigay."
"Kasalanan ko bang nagising ako nang maaga at na-bored ako kaya naisipan kong magpapawis?" Depensa niya dahil tinuro ko siya.
Tumango-tango lang si Maxine kaya ngumuso si Elise at umastang nagtatampo.
"Where's Maria?" Tanong ko sa kanila. Kaming tatlo na lang kasi ang natira sa bahay nang ginising ni Elise kaming dalawa ni Maxine.
"Baka nasa labas, nagpapapuno ng grasya," pabirong sagot ni Maxine pero sinabi niya iyong nang may seryosong tono sa boses niya.
Peke akong tumawa samantalang hindi pa rin nauunawaan ni Elise ang joke ni Maxine.
"Ano 'yung grasya? Diba yun 'yung parang dumi or itim na whatever?" Tanong ni Elise.
Oh my God. Maliban sa hindi niya alam ang panalangin na pinanghugutan ng biro ni Maxine ay napagkamalan niya pang grasa ang grasya. Nagsenyasan kami ni Maxine gamit ang mga mata namin. Elise was really clueless. Tuturuan ko nga itong magdasal mamayang gabi.
"Utak talaga nito, nadisgrasya," iiling-iling na sabi ni Maxine. Totoong natawa na ako sa sinabi niyang iyon.
Inirapan kami ni Elise. "Sorry na at mahina ako sa Filipino vocabs, ha?"
"Apology accepted," tugon ni Maxine at patuloy na nilantakan ang Nutella.
Panandalian kaming natahimik. Kinalaunan ay bumangon na ako sa pagkakahiga sa sahig dahil malamig ang tiles at sobrang tigas niya sa likod. Nagawa ko ng matulog sa sahig ng classroom namin dati at hindi naman siya uncomfortable para sa akin dahil nagawa ko pa ngang managinip. Sobrang lamig nga lang dahil malakas 'yung aircon nung time na 'yon. Naputol ang panaginip ko noon dahil gininaw na ako. Wala kasing tao sa loob ng classroom during that time dahil busy sila sa pag-set up ng booths at ang magaling na si ako ay hindi naman gaanong tumulong.
Hinubad ko ang sandong suot ko dahil nakasuot naman ako ng sports bra. Pinampunas ko ng pawis sa abdomen ko ang sandong hinubaran ko.
"Nasa Jollibee pala sina Maria at Rosean," biglang sinabi ni Elise sa amin pagkatanggal niya ng tingin mula sa phone niya.
YOU ARE READING
Ciao, Amore
Romance"How long can you endure for love? How stupid can you get for love?" Elelowyn Honey Almerique never expected that there will be a point in life wherein she will constantly ask those questions to herself. She used to pity other women who had made a f...
