Prolouge

104 14 3
                                    


Shin-Akitsu




Hindi ko alam kung ano'ng oras na, sapagkat iniwan ko ang aking cellphone sa bahay para iwas nakaw sa peso net na amoy nakakamatay ang headphones. Idagdag mo pa na masikip sa loob at maingay. Kalalabas ko lamang sa peso net na palagi kong tinatambayan.

Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan habang pinagmamasdan ang mga butil ng ulan na bumabagsak sa transparent na payong na hawak ng aking matabang palad.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa panahon ngayon, climate change? Maulan na summer ngayon. Pakialam ko  din sa panahon?

Nagawi ang aking tingin sa harapan ng may boses na kay lambot ng kanyang boses. Maihahalintulad mo ito sa boses ng isang anime character.

"Summer!" Tawag niya pa sa batang lalaki na may gusgusing mukha ay masasabi mong may kaya ito sa buhay. Pandak siya, kay bata pa naman walang kolorete sa mukha.

Nang tumingala ito sa akin ay agad nanlaki ang aking mata at muntik ko pang mabitawan ang payong ng magtama ang aming tingin. Bumagal ang takbo ng oras at nagbibigay ito ng kiliti sa puso ko at masyadong weirdo dahil sumasabay ang kaba, nakakapanibago.

Nang biglang kumidlat ay bumalik ako sa aking wisyo. Tsaka ko lamang napagtanto na wala na sila sa kinatatayuan ko. Nakatulala ako sa gawi nila, kung saan ang ay dalawa naglakad palayo sa kinaroroonan ko. Kay simple lang ng kanyang mahinhin na galaw, pero kay laking epekto nito sa akin. Shet ano'ng nangyayari sa akin? Ano'ng kababalaghan ito? Bata iyon Yuki! Nagkibit balikat nalang ako sa nangyari siguro nagulat lang ako sa pangyayari hindi maari iyon.

Mapaglaro nga ang tadhana simula ng araw na iyon ay palaging nagtatagpo ang aming landas ngunit wala akong pagkakataon na kilalanin siya. Sa isang maliit na eskinita  na hindi ko malilimutan na tagpuan, kung saan palagi ko siyang makakasalubong at ang kanyang mata na nakatitig rin sa akin. Kung paano niya pinag-aralan ang aking mukha at katawan, pero ni hindi ko nakita sa kanyang mata ang paghusga.


Sa tuwing ang aming landas ay magtagpo kasabay nito ang biglang buhos ng malakas ng ulan.
Akala ko ay hindi na titigil pa hayaan itong nararamdaman na manlamig sa gitna ng ulan.


DownpourWhere stories live. Discover now